Chapter 27// She's a Tiger

788 22 7
                                    

Jade's POV

First day of school as a college student.

Nagkita-kita din kaming magkakaibigan para sabay kaming pumunta sa kanya-kanya naming mga section. Medyo nakakapanibago dahil hiwa-hiwalay na kami.

"OMG! Tina! Ang laki ng pinayat mo!" -Donna

"Uhm.. di naman masyado." -Tina

"Wow.... Nagwo-work out ka ba?" -Carol

"Kami ni Jade. Sabay kaming nagwo-work out." -Tina

"Wow.. Jade, gumanda ang katawan mo. Mas lalo kang sumexy." -Sher

Dumating din sila Tom at nagulat din sila sa figure ngayon ni Tina

"Wow.. Tina.. ang sexy mo ngayon ah." -Dave

Si Gabe at Tom naman ay nakangiti lang kay Tina.

"Guys, puntahan na natin yung first class natin baka ma-late pa tayo niyan." -Jeremy

Ang galing ng timing ni Charlie bigla na lang sumulpot.

"Jade! Tara sabay na ako sa inyo." -Charlie

"Is that Charlie? Nakakapanibago ha, mas cute na siya ngayon." - Carol

"Oo nga eh, he looks healthier na." -Mandy

"Oy Tom, ikaw pala. Pasok na kami nila Jade ha." -Charlie

At ayan na nga, nagsalubong na ang kilay ni Tom. Sinenyasan ko siya na wag nang pumatol kay Charlie at tumango na lang siya sakin kahit na alam kong naiinis na siya.

"Sige na, magsipasok na tayo sa mga klase natin." -Donna

"Let's go!" -Dave

First day of school, smooth naman at puro "introduce yourself" lang ang nangyayari sa araw na ito. Nakakapagod din magsulat ng mga kakailanganin namin bawat subjects.

Mas nakakapagod ang maghanap ng room dahil sa sobrang lawak ng University na ito. Si Charlie naman ay sobrang daldal at sobrang matanong saamin. Nahihiya lang kami nila Tina at Jeremy na iwanan siya dahil nga first day of school naman ngayon.

Sa wakas! Natapos na din ang araw na ito.

7am to 2pm kami samantalang sila Tom at Donna starting tomorrow ay 8am to 3pm.

Nakakalungkot, hindi kami sabay ng sched. Hindi kami magkikita ni Tom sa umaga at lalong hindi din kami magkikita sa hapon. Iniba pa kasi ang sched nila eh.

"Jade, kamukang kamuka mo pala ang mommy mo." Kilala ni Charlie ang mommy ko? Nakakapagtaka naman. "Kilala mo ba siya? Paano?" May kinuha si Charlie sa bag niya at ipinakita niya sa akin ang isang lumang letrato.

"Kita mo yan? Yung babae na nasa kanan na katabi ng mommy mo, ay ang mommy ni Tom at ang babae na nasa kaliwa ng mommy mo, ay ang mommy ko. At ito ang mommy ni Donna, katabi ni mommy ko at yung boys, yung mga nakaupo na yan ang daddy ni Tom, saka daddy mo at daddy ko."

Wow... Ang babata pa nilang lahat sa letrato at si Diana, nerdy pala ang pormahan dati. Naka glasses at hanggang balikat ang buhok. Di tulad ngayon na sobrang iksi na palagi ng buhok niya.

Magbabarkada pala sila dati?

Di mo akalain na hanggang langit ang galit ni Diana sa mommy ko. Dahil sa picture na ito, ay makikita mong sobrang close nilang lahat. At dito rin pala sa University na ito sila kinuhanan ng letrato.

I was made for Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon