Chapter 2// Trouble, Trouble

1.6K 34 0
                                    

Everytime na papasok si Jade sa classroom ay palaging natatahimik at napapatingin sa kanya ang mga kaklase niya. Except for Tom na palaging tulog sa classroom.

Dahil ba sa five minutes bago mag start ang klase siya pumapasok, or dahil ba masungit siya, o di kaya... Nalaman nilang lahat na ampon siya ng isa sa pinaka mayaman at respetadong pamilya sa lugar nila.

Pero,

Wala siyang pake.

Si jade ang tipo ng tao na hindi pala kibo, matapang, walang pinagkakatiwalaan, at walang pakialam sa mga taong insecure sa kanya.

Habang inaayos ni Jade ang kanyang upuan ay narinig niya si Jeremy na may sinasabi sa dalawa pa nilang kaklase tungkol sa kanya. "Alam niyo bang ulila na sa magulang si Jade?"

Napatigil si Jade sa pag-aayos ng upuan at napatingin sila Donna kay Jeremy at sa dalawang kausap nito. Hindi napansin ni Jeremy na dumating si Jade dahil nakatalikod siyang nakaupo kaharap ang dalawa nilang kaklase sa first row sa pinaka dulo.

"Namatay ang parents niya sa car crash kasama ang dalawang taong gulang niyang kapatid. Nakakalungkot diba? Tapos mag-iisang buwan nang patay ang lolo niya. Ang tanging natitirang kamag-anak niya."

Nanggigigil ang mga kamao ni Jade at nagsisimula nang mag-init kanyang ulo. Si Donna naman ay nagwo-worry sa kung ano pa ang nalalaman ni Jeremy.

"Nakakalungkot lang kasi adopted lang yung mama niya tapos stepdad pa niya yung nagpalaki sa kanya." Tahimik ang mga kaklase nila at naririnig din nila ang sinasabi ni Jeremy. Walang pumipigil sa kanya dahil gusto din nilang makinig.

"Alam niyo ba'ng nag-aral din siya ng martial arts at naging champion din siya?"  Sinubukan siyang senyasan ng kausap niya pero hindi pa din niya ma gets ang sign na binibigay sa kanya. "Hindi ako stalker ha. Curious lang ako kasi napaka mysterious niya diba?"

Hindi na napigilan ni Jade ang sarili kaya nilapitan niya si Jeremy at hinatak ang collar ng polo shirt nito. Galit na galit si Jade at takot na takot naman si Jeremy. Lahat ng kaklase nila ay nagulat sa ginawa ni Jade at walang may  lakas ng loob na pumigil sa kanya.

Payat, maliit, malabo ang mga mata, at madali lang pabagsakin si Jeremy. Gustong sapakin ni Jade ang bunganga ni Jeremy dahil madaldal ito pero, napapikit si Jade at pinipigilan niyang magalit at binuksan niya ulit ang kanyang mga mata at halos maiyak na si Jeremy sa takot.

"Sa susunod na manghimasok ka pa sa pribado kong buhay, babaliin ko na yang katawan mo at pasasabugin ko yang bunganga mo." Nanginginig si Jeremy sa takot at namumutla. "S...so..sorry Jade. Promise hi..hindi na mauulit.. Hindi na ako mag re-reseach tungkol sayo... Promise titigil na ako. Sorry na talaga." Tumulo ang mga luha ni Jeremy at biglang dumating ang English teacher nilang si Miss Vivian at sakto, naabutan nitong hawak-hawak niya si Jeremy.

"Jade! Anong ginagawa mo kay Jeremy?! Bitiwan mo siya!" Dahan dahan niyang binitawan ang umiiyak na binata at magkaharap pa din sila ni Jeremy. "Kabago-bago mo lang dito sa iskwelahan nang bu-bully ka na?!"

Tumayo si Donna sa kinauupuan niya at napatingin silang lahat sa kanya.

Medyo matagal bago siya nagsalita.

"Ma'am I..... I think you should talk to her and Jeremy about sa pinag-aawayan nila...." At bigla siyang umupo.

"Jade! Jeremy! Sumama kayo sa akin sa Principal's office!" Parehas na nakapako ang mga paa nila ni Jeremy sa kinatatayuan nila.

"Now!" Wala na silang nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

_________________________________________

I was made for Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon