Chapter 26// Motivation

830 22 6
                                    

Jade's POV

Patuloy pa din ang pag-ehersisyo namin ni Tina at ang motivation niya? Si Gabe at ang mga taong nang-bully sa kanya. Magaling magmotivate ng client si Kelly at talagang pumapayat si Tina.

Sumusunod na siya sa proper diet at puro healthy foods na ang kinakain niya. Maaga na rin siya natutulog at disiplinadong disiplinado talaga siya. Bumalik na din ako sa training ng martial arts at pati si Tina ay nag-enroll na din.

Haaayyy... Natapos ang 2 weeks ng ganon lang.

Si Tina ang laki din ng pinayat. Ang dating 149KG ay 110KG na ngayon, ang galing talaga ni Tina. Proud ako sa kanya at magaling din mag-assist si Kelly good job sa kanya.

"Tingin mo Jade, pumayat na ba ako? Feeling ko kasi mataba pa din ako."

"Alam mo Tina, ang laki ng pinayat mo ha. Don't worry, two weeks pa lang naman tayo nag-e-exercise eh. Pero tingnan mo, ang laki ng nabawas sa timbang mo."

"Talaga ba? Haaay... Pasukan na bukas. Gusto ko pag nakita nila ako, payat na ako. Pero malaki pa din ang katawan ko eh."

"Wag mong i-stress ang sarili mo Tina. Ang ganda ng schedule natin oh, hanggang 2pm lang tayo tapos walang Saturday class. Pwede siguro sa hapon tayo mag exercise gusto mo magbike?"

"Sige. Pero di na lang muna ako magpapakita sa kanila. Gusto ko pag nakita nila ako nasa 60 kilos na ako or 50."

"Magkikita at magkikita pa din tayong lahat."

"Ah basta, tataguan ko kayo bye."

Natawa ako sa sinabi niya at kinuha ang gamit niya saka umalis sa Martial arts school.

Kami ni Tom ay bihira lang magkita dahil napapadalas na ang pag-uwi ng maaga nila Daddy. Minsan, 2pm pa lang nasa bahay na sila muntik pa naman akong umalis nun bago makipagkita kay Tom.

Habang naglalakad ako pauwi ay nakasalubong ko naman si Charlie.

"Jade? Kamusta ka na?

"Charlie?" Ang laki ng pinagbago niya ha. Hindi na siya mukang patpatin.

"Kita kits bukas ha."

"Ha?"

"Hindi mo ba nakita ang pangalan ko sa list? Magkaklase tayo Jade."

"Oh...." Naku, sana hindi toyoin si Tom pag nalaman niya ito.

"Ang ganda ng schedule natin no?"

"Uhm.. oo nga eh. Ganda...."

"Ehem...." Oopss... Alam kong boses ni Tom yung kunwariang ubo na yun. Nakalimutan ko susundoin niya pala ako. Lumapit kaagad sa akin si Tom at inakbayan ako.

"Sorry to interrupt, kailangan ko nang ihatid ang girlfriend ko." Ang panga ni Tom, parang nagngitngit sa galit nang makita si Charlie.

"I see... See you tomorrow Jade." Napatingin naman sakin si Tom. "Tomorrow?"  Napangiti naman si Charlie sa kanya. "Yup. Magkaklase kaming dalawa." At nagsalubong na ang kilay ni Tom. "What?!" Mukang hindi na maganda to kaya hinatak ko na lang palayo si Tom kay Charlie. "Uhm.. bye Charlie! We need to go now!"

Habang hinahatak ko palayo si Tom at humiwalay siya sa akin. "Magkaklase kayo? At hindi mo sinabi sa akin?" Haayy heto nanaman tayo. "Hindi ko alam na nandoon pala sa list yung pangalan niya okay? Kanina ko lang din nalaman." Huminga ng malalim si Tom at nilapitan ako. "Okay.. sorry kung nag overreact ako. Uhm... Bakit basa yang buhok mo? Baka naman nasobrahan na kayo ni Tina sa gym." Hinawakan niya ang buhok ko at sinuklay gamit ang kamay niya. "Kakatapos lang namin ni Tina magshower buti meron nga doon eh. And don't worry, ayos lang kami ni Tina." Sinabi ko na din sa kanya ang secret namin ni Tina at nangako naman siya na hindi niya ipagsasabi ang sinabi ko sa kanya.

I was made for Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon