Chapter//20 Vacation

872 27 8
                                    

Please must read!!

____________________________________________
DONNA'S POV

Haaayyy! Finally! Bakasyon na din!

San kaya kami sunod na magbabakasyon? Hmmm.. Tinanong pa naman ako ni Daddy kung saan magandang magbakasyon.

Kumatok ako sa kwarto ni Jade para tanungin siya kung saan niya gustong magbakasyon. Alam kong hindi mahilig sa mataong lugar si Jade kaya siya ang naisip kong tanungin.

"Jade?" Sinubukan kong buksan ang kwarto niya pero naka lock kaya kumatok na lang ako.

"Leave me alone Donna." Sagot niya sakin. Alam kong ayaw niya akong kasama sa kwarto niya dahil nakukulitan siya sa sakin.

"Open the door Jade."

"No."

Ano ba naman tong si Jade. Kung kelan kami naging close, ayaw naman niyang makihalobilo sakin. Ganon na ba talaga ako kakulit? Or maybe sobrang daldal ko?

"Bahala ka di ako titigil sa pagkatok ng pinto mo." Kumatok ako ng kumatok na may kasama pang beat and finally, binuksan na din niya ang pinto.

"What?!" Pabulong na sigaw ni Jade.

"Saan mo gustong magbakasyon? Nagtatanong kasi si Dad eh. Nakapunta ka na ba ng Boracay? Maganda dun promise. Or..." Inirapan ako ni Jade at pagsasaraduhan sana ako ng pinto pero pinigilan ko siya at agad akong pumasok sa kwarto niya.

Napansin kong nag eempake siya ng gamit. Aalis ba siya?

"Where are you going?"

"Bulacan." Sagot sakin ni Jade

"Again? Why?" Agad din namang pinagpatuloy ni Jade ang pag empake.

"Anong again? Dun ako lumaki at nagkaisip Donna. Natural babalik at babalik ako doon." O...M...G.. lalayasan na ba kami ni Jade?

"So ganon na lang? Iiwanan mo na kami? Ang dami na nating pinagsamahan dito tapos iiwan mo lang kami sa ere?" Napataas ang dalawang kilay ni Jade at bigla na lang siyang natawa.

"You're over reacting Donna. Chill.. relax.. magbabakasyon lang ako." Oh my gosh, this is so awkward.. napahiya ako doon ah, ito na din ang reason kung bakit ayaw niya akong kasama. Napaka O.A ko kasi.

"Uhm... Well... Okay. But, you're not going with us?" Umiling lang siya sakin habang nag eempake. "Alam na ba ni Daddy to? Nagpaalam ka na ba?" Tumango naman sakin si Jade at sinara ang zipper ng maleta.

"Actually, sa Saturday pa ako aalis. Susunduin ako ni Jose pero papunta na dito si Jose may nilalakad lang siya dito sa manila. So.. dito muna siya mag stay ng two days at sabay na kaming uuwi sa Bulacan." My gosh, that Jose again. That "feeling close" guy na kung tawagin ako ay Miss sungit. Wait.. that means lang na dito siya mag stay ng dalawang araw?! Eeew.. what the heck.

"Uhm.. is there something wrong Donna? Bakit parang masusuka ka yata? Are you okay?"

"I'm fine!" Nagulat si Jade dahil napasigaw ako. Maski ako nagulat sa sarili ko. "I mean, I'm fine Jade. I'm fine." Jade is studying my face. "Are you sure?" Inayos ko ang buhok ko at damit ko sa harap niya at lalo siyang na-wirdohan. "I'm fine. By the way I have to go Bye." And then, I shut the door really loud. Nagulat ako sa ginawa ko at tumakbo ako papasok sa kwarto ko.

I was made for Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon