Chapter28// Oo! boyfriend ko siya. may problema ba don?

924 19 4
                                    

Donna's POV

Two weeks na din ang nakalipas nang magsimula ang first day of school namin. Nagsisimula na kaming maghirap sa klase ng mga barkada ko. Kung kaklase lang sana namin si Jade at kung parehas kami ng schedule, edi sana kahit papaano natuturuan niya kami. Kapag nasa bahay naman kami ni Jade hindi ko na siya makausap dahil palagi kaming magkausap ni Jose sa telepono.

At ngayon, hinihintay ko naman si Jose sa labas ng school at meron kaming secret place na tagpuan.

"Donna!" Nung tinawag niya ako ay agad ko naman siyang niyakap. Bihira lang kasi kaming magkita at nami-miss ko na agad siya. Niyakap din niya ako at sobrang sarap sa feeling. "Haaayy... Kanina pa kita hinihintay dito ang tagal niyo namang lumabas."

"Pasensya ka na. May pinagawa kasing talata sa English subject namin. Alam mo na.. mahina ako sa ingles eh. Hindi ako pinapalabas ng classroom hanggat hindi ako tapos." Naawa naman ako sa kanya. Alam kong English subject ang weakness niya at nagsusumikap naman siyang matuto. "Ano bang pinag-aralan niyo kanina?"

"Teka, nandito sa libro eh."

"Sige mamaya na lang. Kumain muna tayo nagugutom na kasi ako eh."

Parang natulala siya sa sinabi ko at alam ko kung ano ang nasa isip niya.

"Wag kang mag-alala libre ko na." Hindi siya makakibo at parang na disappoint siya. "Alam mo kasi... Ako ang lalaki Donna. Ako ang nangliligaw sayo kaya-"

"Edi sinasagot na kita."

Natulala nanaman siya sakin at nanlaki ang mga mata niya.

"Ha...ha?"

"Ang sabi ko, sinasagot na kita."

Napangiti siya sa akin at niyakap niya ako.

"Talaga?"

"Talagang talaga."

Napatalon siya sa tuwa at pinipigilan niyang sumigaw dahil nahihiya siyang may makarinig sa secret tagpuan namin.

"So tara na." Hinatak ko siya para pumunta sa restaurant na malapit sa school pero napahinto siya.

"Bakit? May problema ba?"

"Donna, gusto mo ng fishball? Promise magugustuhan mo to. Sagot ko na." Hinatak niya ako papunta sa nagtitinda ng fishball. Hindi lang fishball ang tinitinda ng tindero may kikiam, hotdogs, tokwa, pusit, at itlog?

"Anong gusto mo diyan?"

"Anong tawag dito?" Tinuro ko ang itlog na may orange.

"Ahhh.. kwek kwek yan. Gusto mo ba niyan? Masarap din yan."

"Sige kuha ako ng isa niyan."

"Ano pa?" Teka, may pera pa kaya siya at confident siyang tanungin ako.

"Pusit ba yan?"

"Calamares yan. Sige kuha din kita ng isa niyan. Ano pa? Gusto mong tokwa? Si jade kasi favorite to eh."

"Sige bigyan mo din ako niyan."

Ang kwek kwek ay nakabukod sa isang plastic cup ganun na din sa tokwa limang piraso ang nilagay sakin ni Jose. At ang calamares naman ay nakatuhog lang sa stick at sinasaw ko sa suka. Si Jose ay maraming fishball ang binili at maliliit na hotdogs.

Yung street foods na binibili namin sa Bulacan ay puro isaw at tokong saka BBQ. May mga fishball din pero parang mas marami ang tinda ng tindero dito sa labas ng school.

I was made for Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon