Chapter 29//Fine!

634 20 5
                                    

Donna's POV

Haayyy... Ang hirap pala ng college life. Nahihirapan na din ako sa ibang subjects pero kinakaya ko. Buti na lang talaga kasama ko sa bahay si Jade at kahit paano ay natuturuan niya ako. Kung kasing talino lang talaga ako ni Jade wala na akong pinoproblema.

Madalang na din kami magkita at magkausap ni Jose dahil paiba-iba ang schedule ng work niya. Kaya naisipan kong dumalaw sa pinapasukan niya sa oras ng breaktime niya.

Habang hinihintay ko si Jose ay tumingin muna ako sa menu at umorder ng food para saming dalawa. Ayaw niya ng nililibre ko siya pero kahit hindi niya sabihin, alam kong kapos na kapos siya.

"Donna." Sa wakas, natapos na din siya. Umupo siya tapat ko at napapansin kong nangangayayat na siya. Naawa tuloy ako sa kanya. "Jose buti naman breaktime mo na lagpas ka na sa oras. Umorder na pala ako ng food." Ayan nanaman siya, ung itsura niya parang nainis pa siya sa ginawa ko.

"Donna, diba-"

"Wag ka nang kumontra. Ngayon lang naman to pagbigyan mo na ako. Please?"

Alam kong tumatalab ang ka-cutan ko sa kanya kaya kahit na naiinis siya sa ginagawa ko minsan, nawawala din kaagad yun. One month na pala kaming mag jowa at sa loob ng isang buwan, parang ang dami na naming napagdaanan. Ang hirap makipag kita sa kanya ng palihim at ang hirap kapag hindi na kami masyadong nagkikita at nagkakausap.

"Okay sandali lang. May ibibigay nga pala ako sayo."

May kinuha si Jose sa bulsa niya at may binigay na rectangle na box. Parang matigas yata ang box na to at hindi napipi sa bulsa niya. Nakabalot ng red na wrapper na nakalagay ay happy birthday. Pinipigilan kong matawa dahil hindi ko naman birthday pero alam kong hindi niya alam ang pagkakaiba ng mga gift wrap.

"Sige na, buksan mo na."

Binuksan ko ang regalo niya sakin at nashock ako sa nakita ko.

O.M.G

Isang necklace. A beautiful silver dove necklace. Magkano kaya ang bili niya dito at mukang mamahalin. Nag-aalala tuloy ako baka wala nang natira sa kanya.

"Happy monthsary Donna."

"Pero Jose..."

"Wag kang mag-alala, may pera pa naman ako at talagang pinag-ipunan ko yan."

Napaka-sweet niya talaga. Nagawa niyang mag-ipon sa loob ng isang buwan para lang sa necklace na ito? I'm so lucky.

"Ano? Hindi mo ba nagustohan? Pangit ba? Hindi ka kasi kumikibo eh. Kinakabahan tuloy ako."

Lumipat ako ng upuan at tinabihan ko siya. Tinitigan ko ang mga mata niya at nginitian ko siya. "Salamat Jose. Sobrang naappreciate ko talaga ito. I love you." Ngumiti siya sa akin and OMG, it melt my heart. "I love you too Donna." Niyakap niya ako ng mahigpit at parang sumasabog ang puso ko sa saya.

"Akin na, isusuot ko sayo." Binigay ko ang necklace sa kanya at sinuot niya sakin ito.

Siyempre, di ako papatalo dahil may gift din ako sa kanya. "Jose, akin na ang kamay mo." Nagtaka naman siya sa sinabi ko pero sinunod naman niya ako. "Ipikit mo ang mga mata mo. Wag kang sisilip ha."

"Ano ba kasing gagawin mo?"

"Basta gawin mo na lang ang sinabi ko."

Pinikit naman niya ang mga mata niya at saka ko sinuot ang relo na regalo ko sa kanya. Alam kong naramdaman niya kaya dinilat niya kaagad ang mga mata niya. 

I was made for Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon