Chapter 32//Pagsisisihan mo ito

999 19 11
                                    

Donna's POV

Na-resched ang outdoor namin next month dahil sa bagyo. Wala din kaming pasok magta-tatlong araw na.

Na mimiss ko na tuloy si Jose.

Naaawa ako sa kanya. Iniisip ko, baka no work no pay din sila. Mahihirapan yun sa gastusin lalo na pag nag outdoor kami. Bibili na lang ako ang maraming pagkain para may makain kami sa biyahe at sa outdoor namin.

Nag ring ang cellphone ko at tumatawag nanaman si Charlie. Naging close na din kaming dalawa dahil pag may tanong ako about sa subjects namin, ang bilis niyang mag response.

"Hello Charlie? Bakit?"

"Nakalimutan kong sabihin sayo, nakalimutan mo pala yung notebook mo sa library. Kinuha ko na lang para hindi na mawala."

"Oh my gosh, kunin ko na lang sayo pag nagkaroon na ng pasok."

"Dalin ko na lang diyan."

"Pero Charlie, bumabagyo."

"May car naman ako eh. Saka nandito na ako sa tapat ng bahay niyo."

"What?!"

Sumilip ako sa bintana at nakita kong may naka park na puting car sa tapat ng mansyon.

"Okay, sige, hintayin mo na lang ako diyan kukunin ko na lang kaagad yung notebook sayo tapos pwede ka nang umalis."

Patay ako kay daddy nito pag nakita niyang may kausap akong lalaki. Napaka strict pa naman nun.

Kumuha ako ng payong nag nagmadali akong lumabas. Pinabuksan ko yung gate sa guard namin at lumabas ako. Binuksan ni Charlie ang bintana ng kotse niya at inabot  ang notebook sakin.

"Thank you Charlie ha, nakakahiya sayo nagpunta ka pa dito."

"No problem Donna."

Pabalik na sana ako sa loob ng mansyon pero nakita ko si Daddy sa tapat ng gate. Shocks, I'm so nervous.

"Donna sino yan?"

Hindi ako makapagsalita. Bakit hindi ako makapagsalita?!

Pinapasok ni Daddy si Charlie sa loob ng mansyon at nagpahanda ng hot choco habang kay daddy naman ay black coffee. Magkatabi kami ni Charlie sa sofa, si Daddy naman katapat lang namin at hawak ko pa din ang notebook.

"So, friends lang talaga kayo?"

"O...opo dad. Dinala lang niya sakin itong notebook yun lang."

"Dinala sayo yang notebook, sa kasagsagan ng bagyo para lang iabot yan sayo?"

Ewan ko ba kay Charlie kung anong pumasok sa utak niya at pumunta pa dito.

"Sir, ang totoo po niyan, gusto ko pong ligawan si Donna."

O.M.G.

I'm shookt!

For real?! Akala ko si Jade ang gusto niya?

"Charlie, what the heck?" Pabulong ko sa kanya.

"Donna, I like you. Habang tumatagal na magkasama tayo, mas lalo akong nagkagusto sayo."

OMG I KENAT!

"Charlie," Hindi ko masabi na taken na ako kasi baka mas lalong magalit si Dad.

"Sir, handa po akong maghintay sa anak niyo. Nandito po ako ngayon para kausapin kayo at kung pwede po ba akong manligaw sa anak ninyo? Kung hindi pa po pwede, rerespetuhin ko po."

I was made for Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon