Tom's POV
Maaga ulit ako pumasok.
Hindi para matulog sa classroom kundi para hintayin si Jade.
May bitbit akong gatas para sa kanya. Gusto ko lang magpasalamat dahil Tinulungan niya ako kahapon.
Napansin ko kasi na mahilig sa gatas si Jade. Tuwing recess or lunch break, umiinom siya ng gatas. Tapos pag uwian naman, bumibili siya ng milktea na chocolate flavor.
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Jade sa loob ng classroom. Natutulog at wala pa ang iba namin classmates. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at ang himbing ng tulog niya.
Ang ganda niyang pagmasdan. Kanina pa kaya siya dito? Bakit ang aga niyang pumasok? Di bale. I-eenjoy ko na lang ang moment na pagmasdan ang maganda niyang muka.
Dahan-dahan kong nilagay ang gatas sa bag niya tapos umupo ako sa armchair ko. Naisip kong kuhanan siya ng picture kaya tinadtad ko ng picture niya ang phone ko. Napansin ko na walang band aid ang kana'ng kamao niya at medyo namumula pa ito.
Naalala ko may band aid pa naman ako kaya dahan dahan kong nilagyan ang sugat niya sa kamao.
Mukang napuyat siya kasi ang himbing ng tulog niya.
Biglang kumunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay. Baka ramdam niyang nandito na ako kahit na tulog siya? Kaya daha-dahan kong nilagay ang hintuturo ko sa pagitan ng kilay niya.
Ayan, okay na.
Hindi na salubong ang kilay niya.Kahit naman nakasimangot siya ang ganda pa din niyang tingnan. Ewan ko ba, dapat nilalayuan ko na siya kasi masungit, suplada, at mean siya. Pero may good side naman si Jade eh. Naalala ko nung tinulungan niyang pulutin ang snacks ni Tina tapos niligtas pa niya ako sa mga magnanakaw. Sabi nga ni Belle sa duet nila ni Beast sa kantang Something there, "there is in him that I simply didn't see." Ganun din siguro ako kay Jade. There is something in her that I simply didn't see.
Yes. I like Beauty and the Beast.
Napanuod ko na yun bata pa lang ako. Tapos crush ko pa si Emma Watson yung gumanap na Belle sa live action movie na Beauty and the Beast.
Isa-isa nang nagdadatingan ang mga kaklase namin. Unti-unti nang umiingay pero mahimbing pa din ang tulog ni Jade.
Dumating na din sila Donna pero nakasimangot siya at nakatingin siya kay Jade. May something talaga sa kanilang dalawa. Parang hindi sila good. Hindi sila nag-uusap, hindi sabay pumasok, at hindi sabay umuuwi. Ako lang ba ang nakakapansin nito?
Unti-unti nang dumidilat ang mata ni Jade. Tapos napatitig siya ng saglit sa akin. Parang matagal pero saglit. Parang slow-motion. Pero, agad siyang sumandal sa upuan. Napansin niyang may band aid ang kamay niya kaya umiwas na agad ako ng tingin kasi alam kong alam niya na ako ang naglagay nun sa kanya.
Napangiti ako nung binuksan ni Jade yung bag niya at kinuha ang gatas. Nagtataka siya at umaakting lang ako na nag i-scroll up and down sa iPhone ko. Ginawa kong wall paper ang picture niyang natutulog ang cute niya kasi.
Lalo akong natuwa nung ininom na ni Jade yung gatas.
"Ang sarap naman niyan. Saan mo nabili yan?" Napatingin sa akin si Jade. "Thank you." Nagtaka ako kasi tulog naman siya nung nilagay ko ang gatas sa bag niya. "Ha?" Nakita niya siguro ako? "Sa band aid ko pa lang alam kong ikaw na."
BINABASA MO ANG
I was made for Loving you
Teen FictionLumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko papunta sa lips ko. Gosh.. Parang kinukuryente ang stomach ko. He's making me nervous. But I like it. Oh my gosh. Why do I like it? "Jade, I want to kiss yo...