Jade's POV
March 30th, araw ng graduation.
Isa-isa nang tinatawag ang pangalan namin sa stage.
"Jade Dela Cruz." Tinawag na ang pangalan ko at si tita Nene nga pala ang nag-akyat sa akin sa stage. Sinadya talaga ni princess Diana na hindi umattend para si Daddy ang mag-akyat kay Donna.
Pwede namang si Daddy ang mag-akyat saming dalawa ni Donna pero ayaw ni Diana. Biruin mo, graduation ng sariling anak hindi umattend?
Ibang klase.
Inabot sa akin ang diploma at kinuhanan kami ng picture.
Pagbaba namin sa stage ay niyakap ako ni Daddy, Donna at Jose. Nagkatitigan kami ni Tom at nginitian niya ako... Ngumiti din ako sa kanya at hanggang sa umiwas na ako ng tingin.
Naiilang pa din ako sa kanya.
Halos isang buwan kaming hindi nagpansinan at parati niyang sinasabi sa akin na wala lang yung yakapan nila ni Audrey.
At ngayon, nandito si Audrey para kay Tom. Palagi na silang magkasamang dalawa.
Naalala ko nung sinundan ako ni Tom sa library...
"Jade, makinig ka naman sakin please. Wala lang si Audrey sa akin." Pinanlakihan ko ng mata si Tom dahil ang lakas ng boses niya. Bawal pa naman ang maingay sa library. Pumunta ako sa pinakadulo at sinundan pa din niya ako. "Jade, please makinig ka naman."
"Sa akin ba nakinig ka?" Natahimik si Tom sa sinabi ko. "Yung time na nakita mo kaming magkasama ni Charlie at nagselos ka, nakinig ka ba sakin?" I can see the guilt in his face. "Sige tatanungin kita, ano ba si Audrey sayo."
"Si Audrey....." Bakit nag-aalangan ka pa Tom? "Si Audrey, isa siya sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko." Napapikit siya habang sinasabi niya sa akin yun.
Pero bakit ang sakit?
Ang sakit malaman na may importanteng tao pa sa buhay niya.
"I see..." Yun lang ang nasabi ko sa kanya.
"Pero Jade hindi ko siya gusto. Ikaw ang gusto ko." Pero bakit lagi niyang kasama si Audrey kung ako naman talaga ang gusto niya?
"Hindi gusto? Bakit kayo magkayakap sa rooftop? At bakit lagi kayong magkasama?" Hindi siya kumikibo.
"Hindi ganun Jade, iba kasi yung sitwasyon naming dalawa."
"Ibang sitwasyon? Kaya kayo magkayakap kasi iba yung sitwasyon niyo ganun? Eh tayo? Ano bang sitwasyon nating dalawa? Sabagay, wala namang tayo. Bakit pa ba ako nagtatanong?"
Parehas kaming natahimik.
"Siguro Tom, mas mabuti na yung ganito. Yung walang tayo... Bahala ka na kung sino ang magustuhan mo."
"Jade Please-" At biglang sumulpot ang librarian.
"Hoy kayong dalawa. Ang ingay ingay niyo dun kayo sa labas mag-away." Ang mga mata ni Tom, nagmamakaawa sa akin.
"Sorry po ma'am." At tumakbo na ako palabas ng library.
Hindi ko alam kung closure na ba yun samin ni Tom.
Kasi kahit hindi na niya ako kinukulit, hindi naman niya ako nakakalimutang kamustahin.
Pero nasasaktan ako kapag nakikita ko silang magkasama ni Audrey palagi kaya, hindi ko na lang pinapansin si Tom at hindi ko nirereplyan ang lahat ng text messages niya sa akin.
BINABASA MO ANG
I was made for Loving you
Novela JuvenilLumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko papunta sa lips ko. Gosh.. Parang kinukuryente ang stomach ko. He's making me nervous. But I like it. Oh my gosh. Why do I like it? "Jade, I want to kiss yo...