JADE'S POV
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pinagpalit ni Donna ang napakagandang beach kaysa sa boring at tahimik na lugar ng Bulacan. Well, hindi naman talaga boring dito si Donna lang ang nagsabi nun.
"Jade, lakasan mo naman yung aircon. Hindi ko maramdaman yung lamig." At ito din ang dahilan kung bakit ayaw kong katabi matulog si Donna. Napaka bossy. "Bukas papalinis ko kay Jose. Ngayon lang ulit nabuksan yan." Bumaba siya sa kama at pinukpok ang aircon. "Donna! What are you doing?! Stop!" Hinatak ko siya pabalik sa kama. "Jade, bukas bumili tayo ng bagong aircon hindi ko kakayanin ang init dito kapag di mo pinalitan yan."
"Eh bakit ka ba kasi nandito? Alam mo namang hindi mo kaya ang init dito pumunta ka pa din." Natahimik siya sa sinabi ko. "Seriously Donna, bakit ka nandito?" Napakamot siya sa ulo niya. "Ano kasi eh.. uhm... Sh.. siyempre mami-miss ko si Rod." Natawa ako sa sinabi ni Donna. "Ikaw? Mami-miss si Rod? Eh halos ipagtulakan mo yung bata pag pumapasok sa kwarto mo eh, saka inis na inis ka sa kakulitan ni Rod."
Humarap sakin si Donna at iniisip niya kung ano ang gusto niyang sabihin sakin. "Ano kasi eh... Si.... Sino... Sino ba si Tessa?" Oh.. si Tessa? Gusto niyang malaman kung sino si Tessa? Yun ba ang dahilan kung bakit siya nandito? "Hmm... Tessa. So bakit gusto mong malaman kung sino si Tessa?" Hindi ulit siya makakibo at napakamot ulit sa ulo niya. "Ka..kasi... Kasi pinagpalit niyo ako ni Rod dahil sa Tessa na yan. Mas gusto niyo pang makita yang Tessa na sinasabi niyo kaysa sakin. Ayaw niyong sumama sa magandang lugar na ino-offer ko sa inyo at alam mong ngayon pa lang sana tayo magkakasama sa bakasyon!" Wow.. that was a good excuse. May point din naman siya.
"Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga beaches diba Donna? At alam mong babalik at babalik ako dito." Humiga siya sa kama at tumalikod sakin. "Ewan ko sayo. Buwisit na Tessa yan." Pabulong niya at natawa ako kasi para siyang si Tom kung magtampo. May pagka-isip bata. Pinatay ko ang night stand at humiga na din sa kama. "Goodnight Donna." Hindi siya sumagot at hinatak ang kumot sakin. Haaay.. nakakatawa talaga si Donna minsan.
***
"Donna wake up!"
Niyugyog ko si Donna para magising siya.
"Ano ba Jade! Ang aga aga pa!" Haaay. Gising prinsesa talaga tong si Donna. Tinanggal ko ang kumot sa kanya at hinatak ko siya patayo. "Seven thirty na po your highness bumangon ka na diyan at sabay-sabay na tayong kakain ng almusal." Inakay ko siya papunta sa banyo. "Maghilamos ka na diyan at hihintayin ka namin. Five minutes dapat nasa kusina ka na." Sinarado ko ang pintuan ng banyo at pumunta ako sa kusina.
"Ate Jade I'm hungry." Kawawa naman si Rod nagutom na kakahintay sa ate niya. "Sige na mauna ka nang kumain." Hinanda naman ni Jose ang sinangag sa lamesa. "Si... Donna tulog pa ba?" Sinalinan ko ng fresh milk sa baso si Rod. "Ginising ko na bababa na din yun naghihilamos lang." Lahat kami ay nagsimula nang kumain at sa wakas, bumaba na din si Donna. Nakakapanibago kasi nagiging pala ayos na siya ngayon. Well, dati naman siyang ganun pero bumalik na yung pagiging pala-ayos niya sa sarili.
"Good morning." Bati samin ni Donna at tumabi siya kay Jose at nginitian niya ito ipero itong si Jose, biglang nasamid. "Okay ka lang ba Jose?" Tanong ko sa kanya. "Okay lang ku...kumain na lang tayo." Nakakapanibago itong dalawang to. Hindi ko alam kung bakit pero naninibago ako kay Jose at Donna.

BINABASA MO ANG
I was made for Loving you
Genç KurguLumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko papunta sa lips ko. Gosh.. Parang kinukuryente ang stomach ko. He's making me nervous. But I like it. Oh my gosh. Why do I like it? "Jade, I want to kiss yo...