Chapter 6// Yeah, I guess I have no choice

1.2K 29 0
                                    

Tom's POV

Hinihintay ko si Jade sa tapat ng school namin para sabay kaming pumasok. Pero ang tagal niya at one hour na akong naghihintay sa kanya.

Ten minutes na lang ay magsisimula na ang first class namin pero wala pa din si Jade. Dapat natulog na lang ako sa loob ng classroom namin gaya ng ginagawa ko dati.

Nainip na ako kaya pumasok na lang ako dahil ayokong ma-late sa klase namin. Pagpasok ko sa room, nanlaki ang mga mata ko dahil nasa loob na pala si Jade. Lintek yan, ang tagal kong naghintay sa kanya eh nandito na pala siya sa loob. Dali-dali akong umupo pero hindi niya ako napansin dahil nagbabasa siya ng libro.

"Kanina ka pa dito?"

"Kadadating ko lang." Sumagot siya ng hindi nakatingin sa akin.
"Paano?"  Nilipat niya ang pahina ng binabasa'ng libro. "Is that a question? Ofcourse dumaan ako sa gate." What? Hindi ko siya napansin dahil nandoon lang ako sa gate. "Hindi mo ba ako nakita?" I know, nakukulitan na siya sakin dahil nag-iba na ang expression ng muka niya. "Yes I saw you. Happy?" Tumingin na siya sa akin at sinara ang libro.

"Bakit di mo ako tinawag?" And then she rolled her eyes. She's cute when she's doing that to me. "For what?" For what talaga Jade? Aw, that hurts one hour akong naghintay sayo and for what lang yun sayo? "Hinihintay kaya kita isang oras akong naghintay sayo dun tapos for what lang sasabihin mo." Nag-iba ang expression ng muka niya. Naging kalmado at nagningning ang mga mata niya. Hindi na siya nakasagot sa akin dahil dumating ang teacher namin.

Nakakaboring ang unang klase namin about sa history. Buti na lang medyo mahaba ang leeg ng nasa harapan ko kaya nakakapag tago ako sa teacher namin at nakakapagnakaw ako ng tingin kay Jade. I love watching her reading her book.

So calm, very quiet and peaceful. Hair behind her left ear, long eyelashes, pointed nose, and that kissable lips, oh man I'm so turned on. Gosh, sana na bless din yung ugali niya na hindi masungit at suplada. Bilib ako sa kanya kasi hindi siya playing hard to get dahil ganun na talaga ang ugali niya since the first day na makilala namin siya. Marami na siyang binasted na boys at napakadaming love letters na nakasingit sa locker niya at minsan, sa harap niya mismo inaabot pero hindi niya tinatanggap. Kaya ayokong magbigay ng love letter sa kanya or gifts kasi alam kong hindi niya tatanggapin.

Marami nang girls ang naiinggit at gumagaya sa porma niya. Yung ibang maarte na kilala ko nagpi-feeling hard to get para makuha ang atensyon ko.

Yes atensyon ko.

Iba yata ang gandang lalake ko at ako lang naman talaga ang pinaka pogi dito sa Dela Vega High. I think they all know naman na si Jade ang gusto ko kaya itong ibang girls nagiging "Jade wannabe."

No one can bully her because she's brave. Yung ibang babae na nai-insecure sa kanya, they tried to bully her pero sa titig pa lang ni Jade natatakot na silang lahat. Lalo pa silang natakot nang may napatumbang football player si Jade kasi binastos siya nito. And after that, na kick out yung football player na yun. That's why sikat na sikat siya pati na sa ibang school.

Wala siyang social media accounts kaya hindi niya tuloy nakikita ang mga gorgeous stolen shots niya. Ang photographer wannabe na si Jeremy ay umani ng 36k likes sa Instagram niya nung pinost niya ang picture ni Jade. Yun yung first day ni Jade dito sa school namin at ang kuha niya sa litrato, ay nagbabasa ng libro with the caption of "New girl, new crush." She's famous and she doesn't know it. At alam kong wala siyang pake about fame na every girls dream.

"Tom! Tumingin ka sa libro mo at wag kay Jade!" Na-shock ako dahil ang lakas ng sigaw ni Sir. Nagtawanan ang mga kaklase ko at napa-iling naman si Jade. "Ahm.. Sorry sir." Bumalik sa pagdi-discuss ulit si Sir about sa binabasa niyang libro.

I was made for Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon