18th: GIRL, BOY, BAKLA, TOMBOY

27 0 0
                                    

GIRL, BOY, BAKLA, TOMBOY

Habang tulala’y nanaginip ng gising,
Ako raw ay sumali sa isang patimpalak,
Nagpamalas ng aking sining,
Hangad ay palakpak.

“Hindi ko alam kung ano'ng ipamamalas ko sa inyong talento.
Masyado akong nasurpresa, hindi ako preparado.
Kung alam kong may ganito, 'di sana pinagpraktisan kong maging mahikero.
Kukuha ako ng isang tao, paglalahuin ko sa entablado.
Ngunit, wala, hindi ko nalaman.
Kaya’t hayaan n’yong alayan ko kayo ng tula na lamang.
Isang tulang ngayon lang lilikhain,
Ngayon lang bibigkasin.
Hindi ito magiging flawless,
It will not even render you speechless.
Ngunit bahala na kung anong kalabasan.
Sisimulan ko na nang malaman na’ng katapusan.

Simulan natin sa pagtingin sa kanan at kaliwa.
Sa likod at harap, sa 'taas at 'baba.

Sa kanan, maaaring mamataan,
Babae’t lalaking naglalandian,
Akala yata walang ibang tao kung magharutan.
May mga single dito, oy! Pasintabi naman.

Sunod nating lingunin ang kaliwa
Kung saan maaaring maraming bakla
Mga beki
Na hindi naman nanganganak pero dumadami
Mga alkab
Na kung tingnan minsan ay 'di katanggap-tanggap
Pero kadalasan,
Sila pa yung maganda ang estado sa lipunan.

Tingnan natin ang likod,
Kung saan maaaring may tomboy na nagmumukmok
Hindi raw tanggap ng marami kaya nalugmok.
Binusted ng babae, nakakalungkot.

Saan ka man lumingon, kanan man o kaliwa,
Likod man o harap, taas man o baba,
Mamamataan ang mga nilikha
Ng ating Ama na sadyang dakila
Hayop, insekto, babae, lalaki, tomboy at bakla
Pare-parehong sa kaniya nagmula.
Kaya kahit ano pang sabihin ng madla,
'Wag kang mahihiya.
Kahit ano pang bagyo ang sa 'yo ay magbadya,
'Wag maliligaw, 'wag mawawala.
Nandyan sya. Wag kang mag-aalala.
Kaya mo 'yan, ikaw pa ba?"
--
"Personality is not a theorem to be proven but a postulate to be accepted."

The Poetic SideWhere stories live. Discover now