26th: ULAN

24 2 0
                                    

ULAN

Apat na letrang salita na nagdudulot ng kalungkutan.
May narinig na kong nagtanong minsan
"Bakit nga ba nakaka-senti ang ulan?

Natigilan din ako at napaisip ng kasagutan,
Kasagutan na hindi ko mahanap; lumisan.

Nagunaw.

Gaya ng mga pangakong sa akin ay iyong iniwan.

Pumanaw.

Gaya ng sayang naramdaman natin nang minsan.

Ngunit, huwag kang magkakamali na isiping hindi pa kita nalilimutan,
Nakatagpo na 'ko ng isang taong hindi ka lang napantayan,
Kinaya ka pa niyang higitan.

Siya 'yong taong umakay at nag-ahon sa 'kin mula sa kadiliman,
Siya 'yong nagturo sa 'kin ng liwanag na kita sa kalangitan,
Siya 'yong taong nagdudulot sa 'kin ngayon ng kasiyahan.

Oo, siguro nga may mga sandaling kami'y nagkakasakitan,
Binabagyo ng mga pagsubok,
Tinatalo ng lungkot,
Na dala ng distansyang dagat ang pagitan,
Pero, hindi namin kailanman naisip na ang isa't isa ay bitawan.

Hindi kahit kailan padadaig sa lungkot na dulot ng ulan,
Hindi kailanman malulugmok sa sakit na dala ng bawat patak sa bubungan..

Ganiyan kami laging dalawa..

Sana.
--

📷: Google

The Poetic SideWhere stories live. Discover now