21st: MASOKISTA ALERT

17 0 0
                                        

MASOKISTA ALERT

Ayos lang masaktan, basta masaya ka
Kahit hindi sa 'kin, kahit sa iba.

Ayos lang masaktan, basta makalimutan mo s'ya
Yayakapin ang mga bubog na sa 'yo'y iniwan n'ya.

Ayos lang kahit hindi sigurado ang p'westo ko sa mundo mo,
Basta alam mong mahal kita, ayos na 'ko.

Ayos lang kahit alam kong mahal mo pa s'ya
Basta ba'y nakakausap kita.

Ayos nga lang din kahit gawin mo 'kong "rebound"
Mahal kita, so, I'll understand.

Basta ipangako mong, hindi mo pag-aaralan na mahalin ako
Hayaan mong magkusa lang.
Kung ikaw at ako talaga sa dulo ng lahat ng 'to
Gusto ko 'yong natural.
'yong walang halong kemikal
'yong hindi pinilit
'yong hindi natutunan
Baka kasi parang pag-aaral mo ng completing the square,
Makalimutan mo rin agad after ng isang quarter.

Ayos lang naman kung matagal,
Kaya 'kong maghintay,
Basta ikaw!

Pero kung sa dulo,
Mapagtanto mong
Hindi pala ako,

Ayos lang.
Tatanggapin ko na,
Ngayon pa lang.

---
Para sa lahat ng kaibigan kong MASOKISTA! HAHAHA

The Poetic SideWhere stories live. Discover now