33rd: Hinahanap

23 1 1
                                    

Hinahanap

Hinahanap kita.
Sa mga lugar kung saan kita madalas makita
Na tulala
Mapanghusgang mga mata ay 'di alintana.

Hinahanap kita.
Sa mga lumang larawan
Kung saan kita tanging nakikita
Na hindi luhaan
At hindi sugatan.

Hinahanap kita.
Sa bawat paglingon
Bawat galaw ng mga mata
Nagbabakasakaling muli kang makikita
Kahit malabo
Kahit suntok sa buwan
Kahit sa panaginip
Magpakita ka naman.

Hinahanap kita.
Hinahanap pa rin kita.
Kahit wala ka na.
Dahil kasama mo na S'ya,
At mundo'y nilisan mo na.

//Found this on my FB memories. Nyay

The Poetic SideWhere stories live. Discover now