23rd: Tulong

11 0 0
                                    

Tulong

Sa lungkot na dulot ng gabi
Luha ang tangi kong kakampi
Dilim ay pilit na ginagapi
Mailigtas nawa ang sarili.

Turuan n'yo ako kung paano pigilan
Mga ideyang tumatakbo sa isipan
Lubid, patalim, dugo, luha, at unan
Pakiusap, ako'y lubayan.

Mundong sa aki'y dapat nagbibigay saya
Bakit tila luha't lungkot ang dala?
Hindi na ba matatapos ang mga problema?
Tama na, hindi ko na kaya.

Tulong ninyo'y kailangan,
Ayaw ko pang lumisan.
Pakiusap, inyong pakinggan,
Bigat na dala'y bawasan.

The Poetic SideWhere stories live. Discover now