Puyat
ni: iamanjokun
Sadyang may mga gabi talagang ganito, ano?
Magaan, payapa, tahimik, nakakukuntento.
Pero di ka maka-idlip kahit anong ikot mo,
Nabilang mo na nga lahat ng tupa, pati aso't kabayo.
Tumagilid, tumihaya, tumayo, umupo at dumapa,
Lahat ng pwesto'y iyo nang nasubukan at nagawa,
Subalit sadyang ang antok, sa diwa mo ay wala
Hindi mo mahuli at talagang nakatakas yata.
Ngunit minsan din, may mga gabing mabigat,
Tipong 'yong sakit ng katawan ay 'di na kaya ng unat.
'Di ka pinatutulog ng tila mapipigtal na mga ugat,
Paglalakbay ng iyong isip, ay talaga ring walang puknat.
Pero kung tutuusin, masasabing maswerte ka pa
Na sa kagustuhan mong matulog ikaw ay nakahiga
'Di gaya ng ilan na gustuhin mang magpahinga at humilata,
Nang dahil sa trabaho'y kailangang dilat kahit manlata.
Kaya't isang payo ang nais ipabatid nitong tula,
Palagi n'yong lubusin ang mga araw at gabing kayo ay malaya,
Malayang pumikit, umidlip, at sa antok ay magpadala,
Dahil darating ang oras na hindi mo na 'yan magagawa.
---
Utang na loob, may pasok ako bukas, este, mamaya 🤦♀️
YOU ARE READING
The Poetic Side
PoetryThoughts of a Random, Twisted Mind, translated into Poems. The Poetic Side of an Emo. Lol
