34th: Sana

23 2 0
                                    

Sana

Hindi ako sigurado kung ako ang unang nakaisip na isulat ang mga letrang 'to.
Malamang kasi na naisulat na rin ng iba 'tong mga naisip ko.

Ngunit sadyang wala akong maisip na ibang paraan para sabihin sa 'yo.
Na sa araw na 'to, wala akong ibang nasa isip kundi 'sana nandito ka sa tabi ko'.

Ika-labintatlo ng Pebrero no'ng nakaraang taon nang magtapat ka.
Abot-abot ang sorry mo no'n dahil sa Pebrero Katorse, sa tabi ko ay wala ka.

Ang dali siguro sabihin para sa iba, na kung talagang mahal mo, dapat may oras ka.
Pero pa'no mo ilalaan ang oras mo na para sa kan'ya kung dagat ang inyong distansya?

Sana nakilala ko rin 'yong nagturo kay Goku ng Instant Transmission Technique,
Para p'wede akong mag-teleport papunta sa 'yo.

Sana meron din ako no'ng Dokodemo Door ni Doraemon,
Para isang bukas-sara lang ng pinto 'yong layo ko sa 'yo.

Sana naging Ninja rin ako kagaya ni Naruto,
Para p'wede kitang tawagin gamit 'yong Summoning Technique ko.

Sana kagaya ni Luffy, naging Pirata rin ako,
Para p'wede akong maglayag ng libre from Rizal to Cebu.

Sana ako si Lucy ng Fairy Tail at isa ka sa mga Celestial Spirit ko,
Para isang kumpas lang ng susi nandito ka na sa tabi ko.

Sana ako si Recca 'tapos isa ka sa mga Dragon ko.
Isang sulat lang ng pangalan mo sa hangin, lalabas ka na sa harap ko.

Sana meron din akong Walis-Tingting gaya ni Sharlene ng Ghost Fighter.
Para ez lang 'yong ilang kilometrong travel.

Sana isa ka sa mga alien sa relo ko tapos ako si Ben 10,
Para isang pindot lang, malapit ka na sa 'kin.

Sana lahat ng sana hindi hanggang sana lang,
Sana lahat ng sana, nabibigyan ng katuparan.

Sana sa pagpikit at muling pagmulat ng mga mata, ika'y nasa tabi ko na.
Sana mawala na ang lahat ng mga problema.

The Poetic SideWhere stories live. Discover now