14th: FOURever AU

23 0 0
                                        

FOURever AU

It's exactly five years ago,

No'ng huli tayong makumpleto.

Ngayo'y tila imposible't malabo,

Pagkikita ng mga henyo...

Ilang taon na rin ang lumipas,

Mula nang mabuo tayo, AURUMNIANS!

Pundasyon ay solidong pagsasama,

Turing sa bawat isa'y pamilya.

Naaalala n'yo pa ba?

Mga kalokohan natin tuwing magkakasama?

Mga jammingan pagkatapos ng eskwela?

Pagtambay sa school, hanggang pauwiin na ng guwardya?

Naaalala n'yo pa ba?

Lahat ng gala at lakwatsa?

Ang pagbuo natin ng banda,

Gamit ang mahabang lamesa?

Naaalala n'yo pa ba?

Kung paanong isa-isa tayong tinawag ni mam Gonzaga?

Upang umakyat sa entablo't makuha,

Inaasam nating diploma.

Kung akala n'yo'y tuluyan nang nalimutan,

At 'reunion' ay naglalaro sa inyong isipan,

Nandito lang ako sa aking tambayan,

Naghihintay na mga drawing nati'y makulayan.

---

Especially dedicated to IV-Gold batch 2013 of Malaya National High School.

The Poetic SideStories to obsess over. Discover now