48th: Bayanihang Pinatatag ng Hamon ng Pandemya

13 1 2
                                    

Bayanihang Pinatatag ng Hamon ng Pandemya
ni: Anjo Aguirre

Taong dalawang-libo’t dalwampu nang magimbal ang mundo
Sa isang bisitang ‘di ninais ng kahit na sino.
Kay bilis ng paglaganap, sa iba’t ibang bansa’y kumalat,
Walang pinalampas, mayaman man o mahirap.

Marami ang nasadlak, ekonomiya’y nalugmok,
Natigil ang padyak, mundo’y nabalot ng takot.
Sa pagbagsak ng isa’y nahatak ang iba,
Kaakibat ng pandemya’y mga suliranin at problema.

Pinag-usapang maigi, sa social media’y nag-trending,
Ang ilang netizens, Academic Freeze ang hinaing.
Ngunit ang kagawaran ay ‘di nagpatinag,
Pinatunayang sa pandemya’y ‘di patitibag.

Naging isang malaking hamon sa bawat isa,
Kung paanong ang edukasyon ay matutuloy pa
Nagsimula ang lahat sa Brigada Eskwela,
Tunay ngang kakaiba, ‘pagkat New Normal na.

Stay at home karamihan, komunikasyon ay birtuwal,
Gayonma’y walang nagpadaig, tuloy ang bayanihan!
Sama-sama nating pinakita’t ating pinatunayan,
Walang pandemyang makahahadlang sa tatag ng samahan.

Sa aming mga inilunsad na gawain at programa,
Talagang ‘di magkamayaw ang inyong suporta,
Mula OBE hanggang Ronda Eskwela,
Birtuwal ma’y ramdam namin, ang inyong presensya.

Maging programa sa pagbasa o donasyon para sa masa,
Hindi ninyo hinayaang humarap kami nang mag-isa,
Sa paghatid ng learning kits para sa mga bata,
Pinaabot ninyong tulong ay sobra-sobra.

Sa paglunsad ng Project BITBIT namin ay AKAP,
Walang patid ang inyong kooperasyon at pagsisikap,
Pati sa Oplan Linis Paaralan,
Ay talagang ‘di ninyo kami iniwan.

Kaya’t umaapaw at nagbabagang pasasalamat,
Mula sa paaralang mahal nating lahat!
Sapagkat sinamahan ninyo kaming patunayang
Sa bayanihang pandemya ang nagpatatag, walang makatitibag!

---
This has been a veeerrryyyy productive day! Sobrang stressful din hahaha but nakakatuwa rin.

To all the people who helped us in nurturing our students this school year, this is for you! Maraming salamat po! May God bless you more!

Ps. Ito yung bunga ng paglilikot ng utak ko nung nakaraan. Lol

The Poetic SideWhere stories live. Discover now