29th: Ikaw Muna

28 1 0
                                        

Ikaw Muna

Hindi pa man nahuhulog, nalunod na.
Hindi pa man sinasabi, wala nang pag-asa.
Hindi na nga kumapit, nasaktan pa.
Kaya nang natanaw ang lalim, lumayo na.

Ngunit may mga panahong kusang napapasilip
"Baka naman kaya ko," biglang naiisip
May sisilay na ngiti, maya-maya'y masusupil.
"Hindi ba pwedeng, ikaw muna ang sumugal sa'kin?"
---

The Poetic SideStories to obsess over. Discover now