6th: HACIENDA MATEMATIKA

35 6 0
                                    

HACIENDA MATEMATIKA

Apat na taon na ang nakararaan
Mula nang paglalakbay ay umpisahan.
URS-Morong ang napiling puntahan,
Ng mga nangangarap na mag-aaral.
Ngunit iilan lamang sa kanila,
Ang pinalad na makapasa.
Nahati ang iilang pumasa,
Sa pitong seksyon na magkakaiba. Magkakalayo at hindi magkakakilala,
Ngunit laman ng utak nila ay iisa.
Hinarap nila ang mga pagsubok at hamon
Na hatid ng kanilang unang taon.
Hanggang sa dumating na tila apoy,
Ang Qualifying Examination.
Mula sa iilang nakapasa upang pumasok sa unang taon
Bente-uno na lamang ang nakapagpatuloy matapos ang eksaminasyon.
Bente-unong estudyanteng magkakaiba,
Mula sa hilig, tindig, at itsura,
Ngunit laman ng utak nila ay iisa,
Mg numero at letra.
Magkakaiba man ng pananaw ay nagkaisa sila,
Hinarap ang mga sorpresang, Second year days ang may dala.
Sama-samang hinanap ang mga value ni X, Y, at Z,
at kung minsan pa ay kasama A, B, C, D.
Sama-samang sinagot ang mga "Okay na?" ni mam Leni.
Pati na ang "What is a polygon?" ni mam Lily.
At sama-samang hinintay ang pagsasabi ni mam L ng "Supposedly".
Mga 'di malilimutang kataga mula sa kanilang "Big 3".
Ginawa nila ang lahat upang manatiling iisa.
Problema sa pera ng ilan, tinustusan nila.
Naging negosyanteng bigla upang pamilyang nabuo'y 'wag mawala. Ngunit sadyang mapag-laro ang tadhana,
Nang ika-tatlong taon ay nabawasan sila.
Ang dating bente-uno, saradong bente na.
Ngunit pag-suko'y wala sa isip nila.
Sila'y mas tumatag, mas naging "Solid" sila.
Hindi na nila hinayaang may mawala pang isa.
Sama-samang sinuong bawat sako ng problema.
Patuloy silang sinubok at hinamon ng panahon,
dumating ang pre-board bago matapos ang ika'tlong taon.
Sa kabutihang palad, lahat sila ay pumasa,
Paghihirap nila'y, lahat nagbunga.
Mabilis na dumating ang pang-apat na taon.
Tatag ng samahan, sinubok ng pagkakataon.
May proyektong dumating, muli silang hinamon.
Aral dito, shooting do'n, review dito, edit do'n.
Lahat ay hinarap at napag-tagumpayan.
Maging ang internship, hindi sinukuan.
At ngayong tapos na ang ika-apat,
Nais nilang iparating sa inyong lahat,
ang taos-puso'ng pasasalamat.
Salamat sa paghubog sa kanilang kakayahan,
pagkumpuni ng kanilang kahinaan, pagtiis sa kanilang kakulitan,
at pagsakay sa lahat ng kanilang kalokohan.
Salamat sa pagsama sa bawat hamon sa kanila ng buhay,
Kasama kayo sa lahat ng kanilang tagumpay!
Sa pagsara ng isang pintuan, bitbit nila ang alaala,
Baon nila ito sa pagharap, sa susunod na kabanata.
Viva, Hacienda Matematika!
-----
Tulang inaalay ko sa'king mga kamag-aral, guro, ka-eskwela at lahat ng naging parte ng tagumpay na aking tinatamasa. ❤

The Poetic SideWhere stories live. Discover now