15th: I am ME 😉

21 1 0
                                    

I am ME 😉

"Ang angas mo. Grabe. Straight ka naman? No offense."

Marami na rin ang nagsabi at nagtanong sa 'kin ng ganito,
Iba-iba ng atake at konteksto pero iisa ang punto.

Ano nga ba talaga ako?

Babae rin nga ba ang gusto ko?

Kung itinanong mo sa 'kin 'to no'ng elementary ako,
Marahil "Hindi ko alam" ang isasagot ko.
Dahil aminadong may mga minutong,
Babae ang tinitingnan ko.

Itanong mo ulit sa 'kin ngayon, tatawanan muna kita,
Sabay sagot ng "Straight naman ako, ah?"
Hindi nga lang ako tulad ng iba.
Wala kang makikitang kolorete sa 'king mukha.

Hindi mo 'ko makikitang naka-mini skirt,
Basahanin ko 'yan!

Kadiri sa paningin ko 'yong mga usong damit,
Na labas ang pusod at tiyan!

Kunot ang noo ko 'pag may nakikitang babaeng,
Kinapos yata sa tela
Gusto kong humiram ng makina't sinulid,
Tahiin ko muna 'yong damit n'ya.

Madalas mo 'kong makikitang naka-itim,
Parang nagluluksa raw, mas'yadong madilim.

May ball cap na itim sa ulo, earphone sa tenga,
Hume-headbang sa tugtog, rock ang genre.
Alien para sa iba, 'yong kanta ng paborito kong banda,
Ang ingay daw kasi, masakit sa tenga.

Panglalaki ang tsinelas, pati pabango.
Panglalaki ang kuko, pati nga yata amoy ng pawis ko.
Parang lalaki magsalita at umupo,
Parang lalaki, haha, napagkakamalan ngang tibo.

Minsan nang napagkamalang gf ko 'yong tropa ko,
Pinagselosan pa nga raw ako, nakakaga**.

NBSB kasi raw babae ang hanap,
Sabi ng tropa, maangas kaya walang mangarap.
Mas lalaki pa raw sa mga nangangahas manligaw,
Baka nga raw ako pa ang magturo kung pa'no manligaw.

Alam kong hindi ko kailangang ipaliwanag sa iba,
Kung bakit ganito ang kilos ko't asta.

Sapat na bang sabihin kong tinablan pa rin naman ako,
Ng charisma ng mga Oppa?

Sapat na ba kung aaminin kong
Minsan nang naging 'fangirl' ni Daniel Padilla?

Sapat na bang pruweba 'pag sinabi kong
Kinikilig din naman ako sa mga Asian Drama?

Sapat na ba kung sabihin kong
Marami akong crush na lalaki, professor pa nga 'yong iba.

Sapat na ba kung sa gallery ko,
May sariling folder, pictures ng mga Oppa?

Sapat na bang aminin kong
Ako rin ang nasaktan ng inilagay kong linya?

Sapat na ba kung aamin akong
Minsan na ring nasaktan dahil umasa?

Sapat na ba ang mga nasabi kong pruweba?
Kung bitin ka pa, bahala ka na!

Kung nakikipagkilala ka para lang mang-usisa,
Please, sa iba ka na lang.

Dahil hindi ko kailangan ng mga taong "curious" lang.

Kailangan ko ng mga taong walang tanong, walang duda, walang hidden agenda.

Iyong gusto lang talaga na lubusan akong makilala.
Iyong susugal sa maangas kong asta,
Nang walang pagdududa, walang panghuhusga.

Tanging tunay na hangarin, ako ay makilala.

Iyong tatanggapin at ipagmamalaking nakakilala s'ya ng kasing angas ko.

Dahil baliktarin mo man ang mundo at libutin ang kalawakan, wala kang makikitang tulad ko.

Nag-iisa lang ako! 😏

--
PS. To the one who sent me the message on the photo, please, don't get offended. I just really want to express myself. Thank you for leading the way. Haha. Hope to know you better and hear (or should I say, read? Haha) more stories from you. 🙂

The Poetic SideWhere stories live. Discover now