52nd: Sa Dami ng Iniisip ay Hindi na Nagawang Lagyan ng Titulo (1)

11 1 0
                                    

Masama ba kung minsan ay gugustuhin kong tumakas?
Sa lahat ng problema, sa lahat ng responsibilidad.

Masama ba kung maisipan kong unahin ang sarili ko minsan,
Unahin ang mga simple at payak na kaligayahan?

Masama ba kung pipiliin kong humanap ng sariling lunas,
Sa mga takot at sakit na sa mga unan ko ipinupunas?

Bakit kay dali para sa iba subalit kay hirap kapag ako na?
Bakit tila kay daling bumitaw para sa kanila?

Bakit tila kay dali nilang masabi ang mga dapat na desisyon?
Samantalang ako'y naiiwan pa rin sa kahapon.

Bakit parang kapag ako na'y tila walang pagpipilian?
Walang pwedeng gawin kundi harapin ang katotohanan.

Bakit parang hindi pwedeng magalit man lang?
Bakit parang hindi tama ang nararamdaman?

---

The Poetic SideWhere stories live. Discover now