8-19-2018, 9:51 PM
Just a while ago, I’ve read a poem that talks about how the education system changed from “sustaining the humanity” to “killing the humanity”. (Just to clarify, the quoted texts are non-verbatim) The work argues that education is never about learning; that it’s just about passing and meeting the expectations of the society. The piece triggered my ‘care for the world’ which is supposed to be sleeping by this time. So, here’s a rebuttal. Written in my first language so that no one will complain about its grammar. (Because we correct flawed English sentences, but, we do not do the same thing to flawed Filipino sentences.) Some parts are in English, though.
----
Nakatatawa ‘yon?
Nakatatawang isipin na kapag nanliligaw sasabihin nila,
“Handa akong mag-effort para sa ‘yo kasi worth it ka”
Pero nagrereklamo kapag ‘yong mga projects sa school, nanghihingi ng dagdag effort nila.
Nakatatawang isipin na kapag nanonood ng Kdrama o Anime,
Mapuyat is okay.
Pero, kapag napupuyat sa assignments, reklamo ay all the way.
Nakatatawang isipin na kapag oras ng diskusyon,
Utak n’yo’y lumilipad.
‘Tapos sasabihin n’yong,
“’no ba ‘yan? I can’t understand!”
Nakatatawang isipin na kapag nagturo ng tradisyunal,
‘Yong tipong manila paper o black board lang,
Na-bo-bore kayo at tinatamad mag-aral.
Mas nakatatawang isipin na kapag si teacher may palaro,
Naghahabulan ‘yong angal n’yo at reklamong
“’no ba ‘yan si mam? Daming pakulo!”
Teka nga, teka nga,
Sa’n ba lulugar?
Ayaw n’yo ng assignments, outputs, at deadlines,
E, teka, bakit ka nasa paaralan?
Ayaw mong maglaan ng effort sa pag-aaral?
E, bakit? Bakit ka napasok araw-araw?
Kaya may outputs, assignments at projects,
Para gamitin at i-apply all your learnings.
Kung tingin mo sa kanila, burden at pahirap lang,
‘Tol, kasalanan ko pa ba ‘yan?
Kung iniisip mong kailangan sila para sa pagpasa mo lang,
Kasalanan ba ng sistema ‘yan?
Kung iniisip mong pinahihirapan ka lang,
Paano mo maiisip ang tunay na halaga n’yan?
Paano mo maaalala ang katotohanang
Lahat ng bagay dapat paghirapan?
Na walang patutunguhan
Kapag tumunganga ka lang?
Tropa, tulungan mo muna sarili mo
Bago ka patulong sa iba.
Isusubo ko lang sa ‘yo ang kanin,
Ikaw pa rin ang ngunguya.
Iaabot ko lang sa ‘yo ‘yong inumin,
Ikaw pa rin ang tutungga.
Bubuksan ko lang ‘yong pinto,
Pero papasok ka na ang gamit ay sarili mong paa.
Kasi alam mo? Sa makabagong panahon, ito ‘yong trending:
Sa lahat ng bagay, dapat may DISCOVERY LEARNING.
Because you cannot learn everything by just merely listening,
You’ll always be required to reflect on everything.
Kasi kung ipaiintindi ko lang ‘yan sa ‘yo,
Maaalala mo lang ‘yan hanggang sa exam ko.
Pero kung ipaiintindi mo ‘yan sa sarili mo,
Maaalala mo ‘yan hanggang sa pagtanda mo.
--
My sincerest apologies if I ever stepped on someone’s ego in any part of this work.
YOU ARE READING
The Poetic Side
PoetryThoughts of a Random, Twisted Mind, translated into Poems. The Poetic Side of an Emo. Lol
