Kung meron siguro akong maling ginawa
Iyon 'yong sinalo kita galing sa sakit na dulot n'ya
Pero mali ba 'yon kung doon ako sumaya?
Mali ba 'yon kung nakaramdam ako ng ligaya?
Akala ko kasi may pag-asa
Kasi "okay" naman tayo no'ng una
Napapatawa kita, napapasaya
Sabi mo pa nga, "Pa'no na lang kung wala ka?"
Ilang taon din 'yong pinagsamahan natin
Sarap sa pakiramdam, parang wala nang ending
Ilang pagsubok na rin 'yong nalampasan natin
Ilang gabi na rin akong umuwi nang lasing.
Nakakatawa lang na binuo pala kita para sirain mo 'ko
Pinaliwanag ko ang mundo mo, kapalit ng dilim sa mundo ko
Ang tagal-tagal na natin, akala ko tayo na hanggang dulo
'Yon pala, sa mga plano mo sa future, wala ako.
Iba pala 'yong naiisip mong isama sa hinaharap,
Iba na pala 'yong laman ng bawat pangarap
Ganito pala 'yong pakiramdam ng simot-sarap,
Akin lahat ng sakit, hanggang alapaap.
Habang ako, miserable, ikaw, masaya sa iba.
Habang ako nanghihinayang sa pinagsamahan nating dalawa,
Bumubuo ka naman ng masayang alaala kasama s'ya.
Habang ako wasak, ikaw, walang humpay ang ngiti at tawa.
Pero hindi ko pinagsisisihan na binuo kita,
At least ngayon mas magmamahal ka na.
Hiling ko lang na sana, ingatan ka n'ya,
Sana hindi ka na masaktan gaya sa mga nagdaang iba.
YOU ARE READING
The Poetic Side
PoetryThoughts of a Random, Twisted Mind, translated into Poems. The Poetic Side of an Emo. Lol
