We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

43rd: Tulang Salamin ng Isip

21 1 2
                                        

Tulang Salamin ng Isip

Unti-unti nang nauubos,
Parang kandila, nauupos.

Ayaw maghilom ng mga galos,
Kailan ba 'to matatapos?

Kaya pa? Sige lang.
Madami pa? Okay lang.

Mahaba pa? Tuloy lang.
Mas mahirap pa? Kapit lang.

Mabigat na, hindi na yata kasya.
Pa'nong hindi na, e malayo pa'ng distansya?

Gusto mong lumipad? Isang pantasya.
Pa'no ba libutin ang buong Asya?

Teka, ang gulo na, ano ba talaga?

The Poetic SideStories to obsess over. Discover now