22nd: Nagsimula sa Katapusan

15 0 0
                                    

Nagsimula sa Katapusan
isinulat nina: Jes, Anjo at Greys

Pa'no ba natin sisimulan?

Simulan natin sa katapusan.

Ngunit, pa'no simulan ang natapos na?

Simple lang, pero, handa ka ba?

Handa ka bang balikan ang katapusan?
'Yong araw na bumitaw siya sa inyong walang hanggan?
'Yong araw na natapos ang pangakong "walang iwanan"?
'Yong araw na siya'y biglaang lumisan?

Hindi ko alam kung kaya ko ba,
Kaya ko nga ba?
Bakit pa natin babalikan?
Maaari pa bang dugtungan?

Mahirap dugtungan o bigyang kabuluhan
'Yong mga bagay na alam mong matagal nang natuldukan.

Natuldukan dahil sa 'di pagkakaunawaan
Na nauwi sa sakitan
At tuluyang kinalimutan
Ang pangakong walang hanggan.

Walang hanggan na pagmamahal ang hangad ng karamihan,
Pero, pa'no ba magiging walang hanggan
Kung ikaw mismo ay hindi na lumaban?

Bago pa lamang nagsisimula ang gera, sumuko ka na.
Bago pa lamang tayo nagsisimulang kumapit, bumitaw ka na.

Katatapos lamang ng tayo,
Kayo na.
Tutuparin mo na ang 'yong mga pangako,
Pero, hindi sa 'kin, sa kan'ya.

Kaya ngayon, ako naman ang susuko,
Ako naman ang bibitaw sa lahat ng ating pangako,
Kalilimutan ka kasama ng sakit at kalungkutan,
Na nagsimula sa ating katapusan.
--

Isang tulang nalikha sa pagbabatuhan ng linya sa group chat. Haha

The Poetic SideWhere stories live. Discover now