47th: KASARINLAN

11 0 0
                                        

KASARINLAN
ni: iamanjokun

Isang makasaysayang araw ng paggunita
Ng ika-123 taong kalayaan mula sa mga kastila.
Isang mahalagang araw ng pagpupugay
Para sa mga bayaning nagbuwis ng buhay.

Kasabay ng pagwagayway noon sa ating watawat
Ay ang pag-asang maghihilom lahat ng sugat
Yaong mga dulot ng pighati ng nakaraan
Yaong mga sugat na tumatak sa puso't isip ninoman.

Kagaya ng ating minamahal na bansa,
Bawat isa sa atin ay may sariling bandila
Simbolo ng ating araw-araw na t'yaga
Sa pagharap sa hamong sa buhay nati'y tinakda.

Mayroong mga taong sa karimla'y 'di makakawala
Pinipilit umahon at sa sakit ay makalaya
Hindi sumusukong darating ang araw
Na wagayway ng kan'yang bandila'y matatanaw

Ngunit, kakatuwang mayroong iba
Na hindi kailanman hiniling na sila'y makalaya
Tila nakatagpo ng kaligayahan sa pagkakakulong
Masaya silang namumuhay sa kabila ng limitasyon.

Mayroon ding ilang sa kabila ng sakit, ayaw lumaban,
Hindi hangad kahit kaunting kalayaan,
Martyr man sa paningin at pananaw ng ilan,
Hindi alintana ang pighating nararamdaman.

Ngunit, kahit ano nang pagsubok ang dalhin ng kahapon
Bawat isa ay may kanya-kanyang pagkakataon
Katulad ng ating bansa, may pag-asang makaahon
Sariling bandila'y maitataas, habang panahon.

--

Maligayang Araw ng Kasarinlan, Pilipinas! ♥️

The Poetic SideWhere stories live. Discover now