UNEXPECTED LOVE 1
"Tol, labas lang muna ako ah. May tumatawag e."
"Geh. Balik ka agad."
Tumango lang ako dito at agad na lumabas sa maingay na bar. Wala rin namang kwenta kung dito ako sa loob makikipag usap dahil hindi ko rin lang naman to maririnig sa ingay.
Tiningnan niya ang screen at nakita niyang ang cellphone no. sa bahay nila ang tumatawag. Napakunot ang noo niya. Anong oras na ng gabi at bakit pa ito tatawag? Dapat natutulog na sila. 12 am na ng madaling araw.
Kunot noong sinagot niya ang tawag. "Hello?"
"Sir! May pumasok po sa loob ng bahay! May dalang baril at pumunta sa loob ng kwarto ng magulang niyo. Pinaputok po yung baril ng dalawang beses. Sir pumunta na po kayo agad!"
"Sht!" Agad niyang pinatay ang cellphone at agad na hinanap ang kotse niya at agad na pinaharurot papunta sa bahay nila.
"DUDE condolence." Tinapik ni Ivan ang balikat niya.
Ivan Mariveles isa sa mga matatalik niyang kaibigan. Ganun din ang sinabi ng dalawa pa niyang kaibigan. Sina Josh Morgan at Dwyth Sy. Hindi man nagsasalita ang mga ito ngunit alam niyang nalulungkot din ito sa pagkawala ng mga magulang niya. Napalapit narin kasi ito sa mga magulang niya. Palagi kasi itong naglalagi sa bahay nila.
"Hindi ako titigil hanggat Hindi ko nahahanap ang putanginang pumatay sa mga magulang ko. Ako mismo ang papatay sakaniya. Hayup siya." Mahina ngunit mariing sabi niya.
"Kung sino man ang tao'ng iyon, wala siyang puso. Dapat dun binabaril sa ulo at hindi na ikulong." Galit na usal ni Josh.
"Hanggang ngayon hindi ko parin lubos maisip kung bakit niya pinatay sina Tito at tita. Masyado silang mabait para patayin ng ganun ganun nalang." Kunot noong sabad ni Dwyth.
Naabutan kasi niyang patay na ang mga magulang niya sa loob ng kwarto nito at duguan. May tama ng baril sa ulo ang tatay niya at sa dibdib naman ang nanay niya. Ang isang kasambahay naman ay namatay din dahil sa pamamaril dito at ang dalawa pa nilang bodyguard.
"Sa ngayon may lead na ang mga pulis kung sino ang pumatay kina Tito at tita. Pinaghahanap na siya ng mga pulis." Si Ivan. Mga barkada na niya ang humanap ng paraan para mahuli ang suspek dahil masyado pang depressed si Kent sa mga nangyare. Hindi ito umiiyak pero tahimik lang itong nakatitig sa puntod ng mga magulang niya. Paminsan minsan lang itong nagsasalita.
Kahit papaano ay hindi naman namroblema sakaniya ang mga kaibigan niya dahil kumakain naman siya. Yun nga lang ay madalang lang itong matulog dahil gusto nitong siya ang magbabantay sa mga magulang niya.
"Idadamay ko ang pamilya niya kaya humanda siya." Kumuyom ang mga kamao niya.
"Excuse me." Umalis sa tabi niya si Ivan. May tumatawag kasi dito. Ilang minuto lang din naman ang lumipas ay bumalik na ito.
"Nahanap na ang suspek. Nasa prisinto na siya ngayon."
"NASAAN ang suspek na pumatay doon sa mag asawa kagabi?"
Sinabi naman agad ng pulis kung nasaan ito kaya agad nilang pinuntahan kung nasaan ito. Silang dalawa lang ni Ivan ang pumunta sa prisinto dahil pinaiwan niya sina Josh at Dwyth doon para magbantay sa puntod ng mga magulang niya.
Agad niyang binuksan ang pinto at nakita nilang nakatayo ang suspek na may posas ang dalawang kamay. Hawak ito ng dalawang pulis. Malalaki ang hakbang na pinuntahan niya ito at agad na sinipa sa mukha. Bumulagta ito sa sahig.
"Hayup ka! Putangina ina mo!" Inupuan niya ito at agad na sinuntok sa mukha. Hindi umawat ang mga pulis. Alam kasi nitong maimpluwensiya siyang tao.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Romance"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto