Chapter Thirty Eight

6.4K 146 10
                                    


UNEXPECTED LOVE 38

"Pero kung alam ko naman lahat ng nangyare nung una palang. Hindi ako tatakas. Hinding hindi.
Pero hindi rin naman sinabi saakin ng mga kaibigan ko agad kaya ayun."

"So all this time wala ka talagang kasalanan?" Gulat na tanong nito.

"May kasalanan ako. Nasagasaan ko siya."

"Pero hindi mo sinasadya iyon."

"Kahit na. Kasalanan ko parin kasi ako yung may kontrol ng sasakyan."

"Pero na-droga ka."

Hindi na siya nagsalita.

"Sasabihin ko 'to kay Kent."

"Ako na. Susubukan kong sabihin mamaya. Kung hindi niya man ako pakinggan. Ikaw nalang magsabi."

NAKATINGIN si Ivan sa kaibigan niyang si Kent. Malalim nanaman ang iniisip. Palagi naman yan ganiyan nitong nakaraan. Palaging nakakunot noo at tila malalim ang iniisip.

"Alam kong iniisip mo si Thalia." Sabi niya dito. Hindi ito nagsalita.

"Kahit ilang beses mo pang ideny sa sarili mo na hindi mo siya mahal hindi mo na mababago 'yon. Mahal mo si Thalia pre at tanggapin mo nang hindi na si Kyra ang mahal mo."

"Hindi ko mahal si Montes." Malamig na sabi nito.

"Wag mo akong lokohin. Kilala kita. Alam kong nahihirapan ka rin sa mga pinaggagagawa mo kay Thalia. Sa mga ginagawa mong pananakit sakaniya. Ikaw lang naman ang mas nasasaktan. Nasasaktan ka tuwing pinapahirapan mo siya. Kahit gustong gusto mo na siyang yakapin kapag nasasaktan mo na siya, hindi mo ginagawa kasi pilit mong sinasaksak sa isip mo na deserve niya yon dahil pinatay niya si Kyra."

"Kasi iyon naman talaga."

"Hindi lahat ng mga nakikita natin totoo. Sa bawat nakikita natin may mga storya bago nangyare. Bakit hindi mo pakinggan ang paliwanag niya? Baka may magbago."

"Tigilan mo ako." Galit na tumayo ito at lumabas.

Napailing nalang siya at napabuntong hininga.

NAKAUPO siya sa isang bench kaharap ang malawak na play ground sa harap niya. Hinihintay niya si Kent. Tinext niya ito na hihintayin niya ito dito at may important siyang sasabihin.

Malungkot siyang tumungin sa nagdidilim nang playground. Madilim ang langit at mukhang malakas ang ulan. Malamig rin ang simoy ng hangin at sobrang mahangin sa paligid. Mukhang nakikisabay ang langit sa pagluluksa niya.

Naalala niya ang sinabi ng doktor kanina.

"Hindi na halos tumatalab saiyo ang mga gamot. Kailangan mo ng maoperahan at magpa-heart transplant bago pa mahuli ang lahat. Kung hindi ka pa magpapaopera, I'm sorry to say this pero hindi ka na magtatagal Ms. Montes." Malungkot na sabi ng doktor.

Tumingin siya sa kalagitnaan at nakita doon si Kent na naglalakad na. Sinalubong niya ito sa gitna.

"Anong kailangan mo?" Malamig na tanong nito.

Hinawi niya ang nilipad niyang buhok sa mukha dahil sa malakas na hangin. "Pasensiya ka na sa lahat ng mga kasalanang mga nagawa ko sayo. Sa mga kamalasang dinala ko sayo. Pero hindi ko intensiyong saktan ka at si Rain. Kung hahayaan mo lang akong magpaliwanag—"

"Wala ka na bang ibang sasabihin bukod diyan?"

Naitikom niya ang bibig. "Please hayaan muna akong magpaliwanag sa lahat ng nangyare. Aksidente iyon—"

"Aksidente? Aksidente yung sinagasaan mo siya? Aksidente na lasing na lasing ka at nasagasaan mo siya? Ta tumakas ka? Na kunyare wala kang alam? Na pinagmukhang tanga mo ako? Na ang tagal kong hinanap kung sino yung sumagasa kay Kyra ay nasa tabi ko lang? Anong ipapaliwanag mo dun? Idedeny mo ba lahat 'yon!" Sumisigaw nanaman ito.

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon