UNEXPECTED LOVE 31Inimbitahan ako ni Kent sa unit niya. Siya daw magluluto ng dinner namin. Nauna na siyang umuwi pumunta nalang daw ako doon by seven PM.
May kung ano sakaniya na naeexcite na pumunta na sa unit nito kaya naman maaga palang ay umuwi na siya.
Binigyan na muna niya si Moy siyempre ng pagkain. Naabutan nalang niya kanina na nasa loob na ito ng malaking kulungan tapos may mga pagkain sa loob. Hindi naman ito nahihirapan sa lagay nito dahil talagang malaki ang kulungan nito. Nilagyan pa nga ng bitayan nito sa taas. Siyempre natuwa naman siya. Yung apat pala yung bumili non.
Nacute-an daw kasi ang mga ito sa alaga niya. Nakikita naman na niya na nagkapalagayan na ng loob ang mga ito dahil mabait naman ang unggoy niya. Mabuti naman.
At yung sa mga kaibigan niya naman. Nasa ibang bansa daw ang mga ito. Hinahasa na ng mga magulang sa business world. At dahil magkakalapit ang mga magulang ng tatlo ay sama sama ito.
Siyempre tinanong niya sina Dwyth kung nasaan na ba ang mga ito dahil di niya rin naman natiis. Tss.
Buti naman dahil ligtas ang mga ito. Akala naman niya may ginawa na ang mga ito sa mga kaibigan niya bahang wala siya. Kahit di naman niya sabihin e miss na miss niya na rin naman ang mga ito.
Seven PM na kaya naman bumiyahe na siya papunta sa building ng condo unit nito at umakyat na nga sa kwarto nito.
Binuksan na niya ang pinto at tuluyan nang pumasok.
"Kent!" Tawang niya dito. Dahil Hindi niya agad ito nakita.
"Nandito ako sa kusina. Wag ka munang pumasok dito. Libot-libot ka muna diyan."
Pinigil niya ang ngiti. Daming pakulo ang kingina.
At tulad nga ng sinabi nito naglibot libot muna siya. At tska niya naalala hindi pa nga pala siya nakakapasok sa kwarto nito.
Pinihit niya ang door knob at bumukas ito. Mabuti nalang at hindi naka-lock. Sinarado niya iyon at nilibot ang tingin sa paligid. Ang simple lang ng kwarto niya.
Isang malaking kama sa gitna. May side table at may lamp shade. May pinto sa gilid na hula niya ay C.R nito.
May malaking glass window sa may bandang ulunan nito na nahaharangan ng magandang kurtina. Napatingin siya sa mga picture frames nito sa side table at nilapitan iyon.
Hindi niya kasi makita ang mga pictures dahil sa distansiya niya kaya lumapit siya.
Hinawakan niya at tiningnan ang isa.
Isang litrato'ng nagpasakit ng dibdib niya. Na hindi naman niya malaman kung bakit nasasaktan siya.
Si Kent na nakaakbay sa isang babae, nakahalik sa noo nito habang ang babae naman ay nakaside-view at nakapikit ngunit nakangiti ito. Hindi niya makita ang buong mukha ng babae ngunit batid niyang maganda ito.
Alon alon ang buhok nito at matangos ang ilong maganda rin ang ngipin.
Napahigpit ang hawak niya sa picture frame at inilapag iyon doon. Natumba pa nga pero hindi na niya inayos.
Tatalikod na sana siya nang mahagip ng mga mata niya ang mukha ng napaka-pamilyar na pigura ng babae.
Kunot ang noo'ng nilapitan niya ito at tiningnan ang larawan.
Biglang may pilit pumasok sa utak niya na isang memorya. Siya habang nagmamaneho nang bigla nalang may bumulagang babae sa harap niya.
Nakadilat ang mga mata nito at may tumutulong dugo sa noo nito pababa sa ilong.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Romansa"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto