UNEXPECTED LOVE 22Katulad nga ng sinabi ni Kent siya ang nagbitbit ng mga bag nila. Dire-direstso lang sila ng lakad. Tumitingin-tingin din naman siya sa Maps sa cellphone niya at minsan ay ang mapa'ng dala niyang nakatupi sa bulsa niya.
"Malayo pa ba tayo?" Tanong ni Kent. Paminsan minsan ay kumukuha ito ng larawan.
"Medyo malapit na tayo." Sagot niya.
"Pagod ka na ba? Baka hingalin ka diyan. Parang ang OA mo pa naman hingalin."
Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. Nakakainis kasi e. Parang ang weird ng nararamdaman niya sa mga ikinikilos nito.
Kingina. Bakit ba kasi ganiyan ito? Bakit parang naging caring na nang-aasar? Aishh! Hindi siya sanay!
Ugh!
"Hoy. Tinatanong kita kung pagod kana ba at magpahinga tayo."
Damn.
"Bakit? Hindi ka ba napapagod?" Tanong nalang niya.
"Hindi. Nag eenjoy ako sa pagkuha ng litrato e."
"Hmm. Medyo pagod na ako pero ayos lang naman."
Sa totoo lang pagod na siya at sumasakit na ang dibdib niya. Pero hindi niya magawang umarte dito kasi nakaka-ano ang ikinikilos nito e. Parang may kung ano sa damdamin niya na gumugulo. Aishh! Yung parang ganun nga! Basta, hindi niya alam!
Tiningnan siya nito. Dumaan ang pag aalala sa mukha nito nang makita ang mukha niya.
"Namumutla kana nga e! Pawis kana at hinihingal kana!"
Mabilis itong lumapit sakaniya at pinunasan ang buong mukha at leeg niya. Pinaupo siya nito sa damuhan.
"Ano ba, ayos ka lang? Bat ka pa kasi sumama?" Iritang sabi nito at kumuha ng biscuit sa dala nitong bag.
"Oh kainin mo at baka gutom ka lang. Kumain ka ba kanina bago umalis sa mansiyon niyo?"
Umiling siya. Kumagat sa biscuit at nginuya. Gutom na nga siya. Dahil siguro sa paglalakad.
"Yang katangahan mo ang papatay sayo Montes. Tanga ba't kasi hindi kumain e." Bulong nito na narinig naman niya.
"Hoy. Makasisi ka diyan kala mo naman wala siyang kasalanan. Eh kasalanan mo nga lahat e."
"Ano? Bat ako?"
Gago tinanong pa.
"Anong ikaw? Bakit hindi ikaw, e ikaw yung nagpumilit saakin kahapon diba? Pinagbantaan mo pa yung kaibigan ko. Tapos kaninang umaga tumawag ka at nagising ako ni hindi nga ako nakapag kape sa lakas ng boses mo."
"Eh..— okay edi ako na."
Bumuntong hinga ito at tiningnan siya.
"Ayos ka na ba? May masakit ba sayo?"
"Masakit ang dibdib ko." Amin niya. Totoo naman.
Napahilamos ito. "Bat pa kasi kita sinama e. Tss. Sobrang sakit ba?"
"M-medyo."
Ano ba yan. Ano ba yan talaga.
"Bakit masakit? Ha? May sakit ka ba? May asthma?"
"Nagkasakit ako sa puso nung bata pa ako. Pero magaling naman na ako. Pero bawal ako mapagod ng sobra. Kung hindi, kakapusin ako ng hininga at sasakit ang dibdib ko."
"What?! Bakit hindi mo sinabi?!"
Napasuklay ito ng buhok.
Itinutok niya ang atensiyon sa pag kain. Ano naman sakaniya? Eh diba nga gustong gusto nito ang nahihirapan siya? Eh bakit ganito nalang ito magreact sa nalaman?
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Storie d'amore"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto