UNEXPECTED LOVE 33"K-Kent.." Biglang sumulpot ang kaba sa kaniyang dibdib. Na kahit kailan ay hindi niya naramdaman sa mga taong nasa paligid niya.
Mabilis na humakbang ito papalapit sakaniya at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang magkabilang balikat. Sobrang higpit ng pagkakahawak nito sakaniya.
"Sabihin mo ang totoo, Montes! Sabihin mo!" Ang lakas ng sigaw nito.
"K-kent.." Nahihintakutang sabi niya. Aminin man niya sa hindi ay natatakot siyang makitang magalit ito sakaniya. Hindi dahil takot siya sa maaaring gawin nito sakaniya pero natatakot siya na magalit ito sakaniya.
Kinakahaban siya sa nakikitang galit sa mga mata nito. Kaba'ng hindi niya alam kung bakit niya nararamdan.
At hindi niya kaya'ng magsinungaling sa mga oras na ito. Wala na siyang pakialam kung ano pa'ng kahantungan nito.
Kung ipapakulong man siya nito, gagawin niya ng walang pag dadalawang isip.
"Gagawin ko rin sakaniya kung anong ginawa niya sa girlfriend ko"
Naalala niya ang sinabi nito.
Sasagasaan..
Sasagasaan niya rin ako?
Mahal na mahal ni Kent ang girlfriend niya. At hindi siya nito ipagpapalit doon.
Sino ba siya para dito?
Pero hindi naman niya intensiyong sagasaan talaga ang girlfriend nito.
Tinurukan siya ng drug kaya nasagasaan niya ang girlfriend nito sa kawalan niya ng kontrol sa pagmaneho.
"Tangina sumagot ka!"
Napaigtad siya sa sigaw nito.
Inalog-alog nito ang balikat niya.
Wala na siyang nagawa at tumango nalang.
"Tangina!" Sigaw nito. Sinabunutan nito ang buhok. Narinig niya ang mahina nitong pag-tangis.
"Putangina!" Mura uli nito at malakas na sinipa ang babasaging mesa. Bumaliktad ito at nabasag.
Kinagat niya ang labi para pigilan ang pagtulo ng luha. Ang luha'ng bigla nalang sumulpot dahil sa mga aksiyon nito.
Ang pag-iyak nito. Para sa girlfriend nito. Dahil sa wakas ay nahanap na nito kung sino ang pumatay sa girlfriend nito. Hindi naman ito iiyak kung hindi pa ito apektado sa girlfriend nito. Ibig sabihin lang noon ay mahal na mahal parin nito ang girlfriend nito.
Ang katotohanang' wala lang siya para dito.
"H-hindi ko hinihinging patawarin mo ako. Pero sana pakinggan mo ako."
Bigla itong humarap sakaniya. Sobrang talim ng tingin nito. Namumula ang mga mata nito. Nag tatagis ang mga ngipin at nakakuyom ang mga kamao nito. Siguro kung malapit lapit lang siya dito ay baka kung ano nang nangyare sakaniya.
"Wala ka nang ipapaliwanag pa! Wala nang mas lilinaw pa sa katotohanang sinagasaan mo siya at tumakas ka! Putangina! Pinagmukha mo akong tanga! Ikaw lang pala ang matagal ko nang hinahanap tapos hindi ka nagsasalita! Anong klase ka ha!"
"Makinig ka. Pagpaliwanagin mo muna ako. Hindi ko intensiyong sagasaan siya. —"
"Magdadahilan ka pa! Wala kang pinagkaiba sa ama mo'ng mamamatay tao! Kayo!"
Dinuro siya nito.
"Kayong dalawa! Kayong dalawa ang sumira sa buhay ko! Kayong dalawa ang dahilan kung bakit nawala ang mga mahal ko sa buhay! At sinong isusunod mo ha? Si Rain? Si Rain na minsan mo nang binugbog dahil sa pagbibintang na siya ang dahilan sa aksidenteng nangyare sayo! Na siguro'y pakana mo lang naman para may dahilan kang bugbugin siya! Hinding hindi ko hahaya'ang gawin mo ang binabalak mo!"
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Любовные романы"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto