Chapter Twenty Six

4K 110 8
                                    


UNEXPECTED LOVE 26

Sobrang lukot na lukot ang mukha niya habang nag dadabog na naglalakad papasok sa terminal ng bus. Kulang nalang ay mabiak ang simentong bawat dadaanan niya. Habang si Kent naman ay tawa nang tawa sa likod niya.

Sa tagal ng panahon ay ngayon lang siya umasta ng ganito. Nagdadabog lang naman siya ng ganito kapag kasama niya ang mommy niya. Pero pag sa iba ay ayaw niyang may makakakita ng ganito sakaniya.

Dahil ba komportable siyang kasama ito?

Pero hindi niya maiwasang mag dabog talaga. Siya? Papasakayin nito ng bus? Tapos ano, kapag sumuka siya pag tatawanan siya nito?

Paanong hindi siya sasama dito e kinuha lang naman nito ang susi ng kotse niya.

Alam ng diyos na lahat ay ginawa niya para lang makuha ang susi ng kotse niya pero ipasok ba naman nito sa loob ng brief?!

Kingina. Kadiri diba?

Kapag talaga ibinalik iyon sakaniya ay ibababad niya iyon sa alcohol.

Hindi pa nakuntento hinila pa siya palabas ng mansiyon niya. Pero siyempre hindi siya papayag na Basta nalang mahila nito kaya humawak siya sa door knob. Kilitiin ba naman ang kilikili niya sabay buhat sakaniya na parang sako ng bigas. Gago talaga kahit kailan.

Tapos nang ipasok siya sa taxi andun na yung maleta niya. Inimpake talaga yung mga gamit niya nang wala siyang kaalam-alam. Pwede na talaga itong maging magnanakaw.

Hindi niya binuksan iyong maleta niya. Baka kapag nakita niya doon ang undies niya ay baka gumulong siya sa lupa. Iniisip niya palang na hinawakan nito ang undies niya ay parang gusto nalang niyang magpalamon sa lupa ng buhay.

"Hoy! San ka pupunta? Andito yung bus na sasakyan natin!" Napalingon siya.

Nag mamartsang pumunta siya sa kinaroroonan nito.

Tumawa ito. "Tangina. Ang cute mo. Hahaha!"

"Wag mo kong tawanan! Babangasan kita!" Malakas na sigaw niya dito. Walang pakialam sa mga taong kanina pa sila pinag-mamasdan.

Pumasok siya sa bus na sinasabi nito at umupo sa upuan na pang-dalawahan. Hindi siya umupo sa katabi ng bintana dahil siguradong malakas ang hangin doon.

Sumunod naman si Kent at inilagay ang dala nilang gamit sa taas at umupo sa tabi niya. Hindi niya ito pinansin.

"Oh. Alam kong gutom ka." Inabot nito sakaniya ang isang bote ng C2 at chips.

Hinablot niya iyon at nilantakan. Hindi niya parin ito pinapansin.

Manigas siya diyan!

"Sorry na kung pinilit kita okay? Pero magugustuhan mo dun kasi maganda dun. Promise. Mag eenjoy ka." Pag-aasure nito.

Hindi na siya umimik lalo na nang umandar na ang bus at pumasok ang hangin. Napapikit siya at huminga ng malalim.

"Pahiram ng panyo." Malamig na sabi niya dito. Inabot naman nito sakaniya.

Hindi rin naman ito umiimik at nakatingin lang sa labas ng bintana. Nag-eenjoy siguro sa tanawin. Nakasuot ito ng shades. Ang gwapo tuloy.

Itinakip niya iyon sa ilong niya at pumikit. Nahihilo siya. Hindi niya gusto ang amoy na pumapasok sa ilong niya kaya lalong gumugulo ang tiyan niya.

Tumingin ito sakaniya. "Mamaya magandang tumingin sa labas ng bintana. Maganda ang view."

Tumango lang siya. Tumingin narin naman ito sa labas.

Mariin siyang pumikit nang naramdaman niyang lumiko ang bus na lalong nagpadagdag ng hilo niya. Lalong nagkagulo sa tiyan niya.

Ugh shit. Mamamatay na ata ako sa hilo. Tangina kasi si Kent!

Lalo siyang nahihilo kapag humihinto ang bus at kapag naamoy niya ang mabahong amoy.

Huminga siya ng malalim. Putangina talaga!

Sumandal siya sa balikat ni Kent.

"Uyy. Tsansing ka ah."

Hindi niya ito pinansin.

"Baka gusto mo ring magpayakap para lubos-lubos'in mo na?" Mahina itong natawa.

"N-nahihilo ako.."

"Ha?"

"Nahihilo ako.. Nasusuka.." Mahinang sabi niya. Pati lakas niya ay na drained na.

Napahawak siya sa bibig niya nang naramdaman niya ang suka niya sa bibig.

Shit!

Nataranta naman ang katabi niya kakahanap ng masusukahan niya. Sa huli ay pinasuka siya nito sa isang T-shirt na itim. Feeling niya pati bituka niya ay naisuka niya.

Itinapon ni Kent ang T-shirt sa labas ng bintana.

Pinunasan niya ang bibig niya at sumandal sa balikat nito. Kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam niya.

"Ayos ka lang ba?" Naramdam niyang hinaplos nito ang buhok niya pati ang pisngi. Ramdam na ramdam niya ang pag-aalala sa boses nito.

Huminga siya ng malalim at pumikit. Hindi siya sumagot.

"Nahihilo ka pa ba?"

Hinaplos haplos nito ang balikat niya.

"Hindi na."

Huminga ito ng malalim. "Sorry na. Hindi ko naman alam na mahihiluhin ka pala sa bus e. Sana nag sabi ka para nag kotse nalang tayo."

"Sinabi ko nang ayaw kong sumakay sa bus diba?" Mahinang sagot niya.

"Akala ko umaarte ka lang e. Tska nakakapagod kasing magmaneho ang layo ng probinsiya nina Lola."

Hindi na siya sumagot at pumikit nalang at natulog sa balikat nito.

Kent Harry's

Hinayaan niya itong sumandal sa balikat.

Sobrang na g-guilty siya sa mga oras na ito.

Akala niya kasi umaarte lang ito na ayaw mag bus kaya hindi siya pumayag na mag kotse sila papuntang probinsiya. Bukod kasi sa malayo ay nakakapagod din mag drive.

Bigla ay naalala niyang hindi naman pala ito maarte sa mga bagay-bagay. Di gaya ng ibang taong mayayaman na maarte talaga. Bagay na isa sa mga nagustuhan niya dito.

Pinilit niya talagang isama ito dahil gusto niyang kasama ito sa pasko. Parehas lang naman silang walang magulang na kasamang magpasko. Tutal maganda naman doon sa probinsiya. Tahimik doon at maganda ang tanawin. At miss narin niya ang Lola at lolo niya.

Tiningnan niya ito nang maramdaman niyang bumigat ang ulo nito sa balikat niya.

Pinigil niya ang ngiti nang makitang tulog na ito.

Hindi niya alam pero masarap sa pakiramdam na nakasandal ito sa balikat niya at natutulog.

Maingat niyang pinadaan ang braso niya sa balikat nito para akbayan ito. Baka kasi kapag pumreno bigla ay sumubsob ito sa unahan.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya at kumuha ng litrato nilang dalawa. Ngiting ngiting siya sa harap ng camera.

Alam niyang nag dududa ito sa sinasabi niyang may gusto siya dito. Hindi naman niya ito masisisi dahil nga sa mga nakaraan nila.

Pero gusto niya lang naman ito dahil sa taglay nitong pambihirang ganda at wala itong kaarte-arte sa mga bagay. Sigurado siyang hindi ito purong filipina. Siguradong may lahi ito.

May tangkad itong 5'7,matangos ng ilong kung para sa isang pilipino. Mahahaba ang pilik-mata at may magandang mata. Na kung titingnan mo sobrang taray dahil wala man lang kababakasan ang mukha nito na masaya ito. Palaging fierce ang datingan. May magandang shape din ang mga labi.

Swerte ng magiging boyfriend nito.

Ngunit naiisip niya palang na may ibang boyfriend ito ay parang hindi niya gusto ang ideyang iyon.

Sa huli, natulog nalang din siya.


*–*–*
A/N: Naiiklian ba kayo sa UD or tama lang? Tamad lang kasi author e.

@ImTheSexyRed

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon