UNEXPECTED LOVE 6
"Ano 'to? Bakit ang dami?" Kunot noo'ng sinilip ko ang loob ng mga plastic bag. Kingina. May sa baboy ata ang mga iyon. Ang dami ng mga pagkaing binigay saakin.
"Ahh. Ganiyan talaga sila kadami kumain." Tiningnan ko siya ng masama.
"Kinakausap ba kita?" Pairap na tinalikuran ko siya at lumabas ng canteen at lumakad ng pagka- habang habang lakarin papunta sa kinginang hide out na iyon. Mamaya nga mag grocery na ako ng maraming pagkain. Tatambakan ko na si Moy ng pagkain mamaya dahil siguradong magiging madalang na ang pagbisita ko sakaniya.
Limang plastic bag lang naman ang dala ko. At puro pagkain ang laman. Grabe, saan ba nila nilalagay ang mga pagkain sa katawan nila? Tss. Wala na'kong pake dun. Sana lang mabulunan sila habang kumakain tapos mamatay.
Sinipa ko ang gate at pumasok. Pati ang pinto ay sinipa ko rin. Hindi naman kasi nakasara at naka-awang lang ng konti.
"Puta! Nakakagulat ka naman!" Hindi ko sila pinansin at inilapag lang sa mesa nila ang dala Kong mga plastic bag.
"Ayan sukli mo." Inilapag ko sa harap nila ang 7 pesos.
"Puta. Anong akala mo samin mahirap? Sayo na yang seven pesos nayan. Bwiset!" Tinabig niya ang barya kaya kumalat iyon sa makalat na sahig. May mga upos pa ng sigarilyo at basyo ng alak. Pati mga candy wrapers ay nagkalat din. May mga dart pang nakakalat.
"What ever." Umalis na ako sa harap nila at akmang lalabas ng pinto pero tinawag ako ni Kent.
"Sandali. Bumalik ka dito."
Mariing pinaglapat ko ang labi ko. Ano pa ba'ng gusto ng putanginang to?! Kalmado akong humarap sakanila.
"Ano nanaman?"
"Nagrereklamo ka?" Tinaasan ako nito ng kilay.
"Hindi."
Itinuro nito ang mga kalat. "Linisin mo mga kalat nayan. Lahat lahat." Napatingin siya sa maraming kalat. Parang basurahan sa loob ng kweba nila. Madilim pa.
"Pero bago iyon, ihanda mo muna tong kakainin namin."
Blangko siyang tumingin dito. Pagkatapos ay walang imik na ipinaghanda ang mga kakainin nito. Habang ang mga ito naman ay busy na nagkkwentuhan. Pigil na pigil niyang singhalan ang mga ito. Gustong gusto na niyang hamapasin ng Plato ang mga pagmumukha nito. Kingina. Siya nga Hindi pa nakakapagbihis at ang lagkit lagkit na ng mukha niya dahil dun sa itlog. Tapos ang paglilinisin pa siya nito ng mga kalat nila. Parang gusto na niyang magwala at mag super sayan at gamitan ito ng kame wave.
Pagkatapos ay inumpisahan na niyang maglinis. Subukan lang nitong magsalita ng Hindi maganda sakaniya at babatuhin niya ito ng bote sa ulo at hindi siya nagbibiro.
Mabuti naman at Hindi siya nito pansin habang nagkkwentuhan sila. Kahit na padaan daan siya sa harap ng mga ito. Mukhang nagkkwentuhan sila tungkol doon sa mga kalaban nito sa gang chuchu. Tss.
Nakahinga siya ng maluwag nang matapos siya sa paglinis ng mga kalat nito. Mabuti nalang talaga at marunong siyang maglinis. Tss.
Kinuha niya ang mineral water na nakita niya sa tabi niya. Bago pa naman iyon atska ininom iyon. Tumingin tingin siya sa paligid.
Naibuga niya ang iniinom nang makita ang mga poster ng mga hubad na babae na nakadikit sa dingding.
"Whatthefuck! Yakss!" Agad siyang umalis sa kwartong pinasukan niya at pumunta kung nasaan ang mga ito.
"Ito pa. Hugasan mo yan mga Plato."
Nalukot ang mukha niya. "Pagod na'ko. Kayo nalang!"
Nalukot mukha nito. "Nagrereklamo ka? Nakikita mo ba to?" Pinakita nito ang isang papel na pamilyar sakaniya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Romance"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto