Epilogue

10.7K 219 24
                                    

UNEXPECTED LOVE:  EPILOGUE

"Kent!" Galit na sigaw niya.

Natigil ang akmang pagbukas nito ng pinto. Nakakunot noo'ng humarap ito sakaniya.

Malamang ay galit na ito.

"Ano nanaman?" Pinanatili nitong malumanay ang boses kahit parang konti nalang ay sasabog na ito sa galit. Nagtitimpi lang sa ugali niya.

"Saan ka pupunta?!"

"Aalis. Sabi mo umalis ako diba?" Galit na ito. Kunot na kunot ang noo nito.

"Ayoko! Bumalik ka dito! Subukan mo lang talagang lumabas diyan!"

Iritadong ginulo nito ang buhok. Umupo ito sa kalapit na sofa at tiningnan siya.

"You know what? Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo Montes ah. Palagi ka nalang ganito. Palagi ka nalang galit saakin. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar dito. Kahit anong gawin ko nagagalit ka.

Ilang araw na nga akong hindi pumapasok sa kompaniya kasi ayaw mo tapos palagi ka namang nagagalit saakin, pag pinapaalis mo naman ako at kapag aalis naman ako nagagalit ka. Pati mga niluluto kong mga pagkain para sayo ayaw mo. Sinasayang mo yung mga pagkain. You're so mean these past few days. I don't know where to stand anymore. Sa mga pinapakita mo sakin feeling ko wala akong kwentang asawa sayo." Dismayadong sabi nito. Tumayo ito at umakyat sa hagdan at nilampasan siya.

Mabilis na nanubig ang mga mata niya at dumaloy ang mga luha niya.

Hindi naman niya alam ang mga nangyayare sakaniya.

Ayaw niya itong papasaukin sa trabaho dahil nagseselos siya sa sekretarya nito. Maganda kasi ang sekretarya nito at mabait. Hindi naman siya nagseselos noon dito pero nung mga nakaraan ay bigla nalang siyang nagselos dito. Kung ano anong mga pumapasok sa isip niya na baka magkagusto doon ang asawa niya at iwan siya.

Tapos palagi naman siyang naiinis kapag nakikita niya ang mukha ng asawa niya at pinapalayas ito. Pero ayaw naman niyang umalis ito.

Tapos sobrang mapili pa siya sa mga pagkain.

Kahit siya ay naiinis na sa sarili niya.

Suminghot siya at lumuluhang tumingin sa hagdan.

Baka iwan siya nito at sumama sa maganda at mabait nitong sekretarya. Hindi sa katulad niyang maldita.

Mag so-sorry nalang siya.

Hindi niya ata kakayanin kapag nawala ito sakaniya.

Pinunasan niya ang Luha at inayos ang sarili.

Umakyat siya at pumasok sa kwarto nila. Naabutan niya itong nakahiga sa kama, patagilid at nakatalikod kung saan siya natutulog.

Gusto nanaman niyang umiyak ngunit pinigil niya ang sarili.

Humiga siya sa katabi nito at humiga rin patagilid paharap dito.

Alam naman niyang gising ito ngunit mas pinili nalang siguro nitong hindi siya pansinin.

Siguro ay tuluyan na talaga itong nagalit. Palagi kasi siyang nilalambing nito kapag nagagalit siya dito. Ngayon lang ito nagalit sakaniya. Malamang ay napuno narin ito sakaniya.

"Kent.." Tinusok niya ang likod nito ng mahina gamit ang hintuturo niya.

Hindi man lang ito gumalaw.

"Sorry na." Pag hingi niya ng tawad.

"I don't know what to do anymore to you Montes." Huminga pa ito ng malalim. Umupo ito sa kama at tumayo. Pumunta sa harap ng closet at kumuha ng long sleeve.

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon