Chapter Eleven

4.5K 109 1
                                    


UNEXPECTED LOVE 11

Dalawang araw na ang nakalipas nung mangyare ang pagpunta ni Kent sa bahay niya. Well, wala namang nagbago, ganun parin. Siya, na gagawin nanaman nitong alipin ipagluluto ito ng umagahan, bibilhan sila ng lunch sa canteen at ipagluluto ito ng dinner. At dahil makapal ang mukha niya, doon narin siya nakikikain ng umagahan at gabihan. Tutal, hindi naman ito nagrereklamo, well nung una nagreklamo ito pero dinakdakan niya nalang at sa huli ay sumuko naman ito. Nagbibihis na siya ng uniform bago pa man pumunta sa unit nito at doon narin siya nakikikain para direstso narin sa school.

"Thalia." Si Melissa.

"Oh?" Sagot niya nang Hindi man lang nag aangat ng tingin at nakatutok lang sa ginagawa niya. Pinapagawa kasi siya ni Kent ng assignment nito at kailangan daw ito pagkatapos ng lunch. Hindi narin naman siya nagrereklamo dahil sanay naman na siya sa dami ng mga ipinapagawa nito. Sinong hindi masasanay e araw araw siya nitong pinapagawa ng mga kailangan nito.

"Kanino ba ya'ng mga ginagawa mo'ng yan? Sa pagkakaalam ko hindi mo naman note book yan. Pang lalaki yan e."

Wala sina Janine at Rose. Ewan niya kung saan iyon nagpunta. Wag niya lang malaman na nakikipag usap ang mga ito sa mga kaibigan ni Kent.

"Tss. Sakin nalang 'to. Gawin mo nalang pinapagawa ko sayo."

Ginagawa kasi nito ang assignment niya at ginagawa naman niya ang assignment ni Kent. Parang tanga nga e.

"Kanino ba yan? Kay Calvin? Nagpapatulong sayo? Eh halos araw araw mo yan ginagawa ah."

Nagtataka ang tono ng boses nito. Eh sa ganun talaga, namimihasa na ata si Kent sa pagpapagawa nito sakaniya. Inaabuso ang katalinuhan niya.

"Bakit? Magpapagawa ka rin ba?" Sabi nalang niya.

"Eh kung sipain kitang bruha ka! Assignment mo nga hindi mo magawa, assignment ko pa kaya!"

"Manahimik ka nalang diyan pwede? Istorbo ka e."

"Eh kanino nga kasi yan?"

Pareho silang nag uusap habang tutuok sa mga ginagawa.

"Sabing wala kana dun e. Kulit mo rin e noh?"

"Tsk. Tsk. Hindi ko alam kung posible ba to o hindi e. Parang may umaalipin sayo tapos sayo pinapagawa ang mga ang mga assignment niya e."

Saglit siyang hindi nakaimik sa sinabi nito. "Babaliin ko muna mga leeg nila bago nila ko alipin'in noh." Tanging sagot niya.

"Sabagay, e kanino ba talaga yan?"

"Lintek ka! Sabing manahimk ka nalang jan e!"

"Eh sumasagot ka rin naman kasi sa sinasabi ko e."

"Eh ang kulit mo e! Bwisit na'to!"

"Whatever."

Hindi naman na ito nangulit pa pero alam naman niyang curious ito. Pati din naman yung dalawa pa curious din iyon.

"Thalia."

"Ano nanaman? Namumuro kana sakin ah." Inis na sabi niya.

"May bad news ako."

"Bad news pala e. Bat mo pa sasabihin."

"Importanteng malaman mo'to."

"Ano ba kasi yan? Andami mo pa kasing pasikot sikot e."

"May swimming competition tayo sa kabilang section the day after tommorow."

"ANO?!"

"Ano ba! Ang boses mo hinaan mo." Tumingin ito sa paligid at nakita niyang pinagtitinginan sila ng mga kaklase. Sinamaan niya ang mga ito ng tingin.

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon