UNEXPECTED LOVE 19Agad naman akong hinila ni Kent palabas ng hide out nila. Kulang nalang ay matanggal ang braso ko sa ginawa niya kaya inis na inis ako sakaniya.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!"
Nang bitawan niya ako ay ibinalibag niya pa yung braso ko kaya nadala ako ng konti.
"Ano yon ha?!"
"Anong ano yon?" Galit din na sabi niya.
"Anong nagyare sainyo?! Bakit ganon?! Bakit nakadagan ka sakaniya?!"
"Oh e ano naman? Gago yang kaibigan mo e! Kulang pa nga yung ginawa ko sakaniya e!"
"Ano ba kasing ginawa niya? Atska ba't ka ba dumadagan don?"
"Edi itanong mo sakaniya! Pakana mo naman kung bakit kami nag aaway e!
"At ano naman sayo kung daganan ko siya? Anong problema mo don?" Kinunutan niya ito ng noo.
"KASI AYOKO!" Halos tumalsik ang kaluluwa niya mula sa katawan sa lakas ng sigaw nito.
"Kailangan talaga kapag nag aaway dadaganan mo?!"
"Ano bang problema mo ha? Anong gusto mo, ikaw ang daganan ko?"
Natahimik ito. "Pano pag sinabi kong Oo?" Seryosong sagot nito.
"ANO?!" Siya naman ang napasigaw. "Kingina badtrip ako kaya wag mo kong simulan Kent at babangasan kita!"
Inis na tinalikuran niya ito ngunit hinila naman nito ang kamay niya kaya napaharap siya dito.
"Bitawan mo ako!"
"Sa susunod, ayaw ko nang makikitang dumidikit ka kay Ivan, naiintindihan mo?" Atska ito mabilis na umalis at bumalik sa loob.
"Puta. May saltik ata sa ulo ang bwisit na yun e."
"ANO NANAMAN yon ha? Bakit kayo andun?" Nanggigigil na hinablot niya si Janine sa braso at dinala sa sulok kung saan walang nagagawing tao.
Nakasunod naman ang dalawa pa na halatang nagulat sa bigla niyang pagsulpot. Inabangan niya talaga ang mga ito na lumabas doon sa H.O at hindi na kumain.
"Ano ba, Thalia, nasasaktan ako." Reklamo nito. Binitawan niya ito at hinarap silang tatlo.
"Ano yon ha! Bakit kayo nandon?! Diba sabi ko wag kayong lalapit sa mga lalaking iyon!" Galit na galit na aniya. Humihingal pa siya sa lakas ng sigaw niya.
"Akala ba namin kumalas kana sa pagkakaibigan natin? Kaya wala ka naring pakialam kung anong gawin namin." Ani Rose Ann.
"Kumalas ako para marealize niyo na ayokong makipag kaibigan kayo doon! At baka layuan niyo na sila at makipag-ayos saakin! Pero mukhang wala naman akong kwenta para sainyo dahil lapit parin kayo ng lapit doon! Puta naman! Bat ba ang titigas ng ulo niyo!" Nanggagalaiti niyang sigaw.
"Thalia, maniwala ka't sa hindi, mahalaga ka saamin. Hindi namin gustong makipag-kalas ka saamin. Pero Thalia, mababait naman sila. Wala naman silang ginagawa saamin na masama. Kung masasama sila saamin edi sana nung una palang nilayuan na namin sila." Janine.
"Thalia please. Hayaan mo naman kaming gawin ang mga gusto namin. Nakikipag kaibigan lang naman kami." Melissa.
"Kaibiganin niyo na ang lahat, wag lang ang mga iyon. Maniwala kayo saakin inalalayo ko lang kayo sa kapahamakan! Wag niyo na akong pahirapan. Sumunod nalang kayo. Masasama sila okay? Layuan niyo na sila."
"Bakit hindi mo nalang kasi sabihin saamin kung bakit namin sila kailangan layuan? Naguguluhan na kami sayo, Thalia.-"
"Saakin nalang yon! Sa ngayon makinig nalang kayo saakin!"
![](https://img.wattpad.com/cover/169589303-288-k176699.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Romansa"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto