Chapter Twenty Nine

3.8K 106 1
                                    

UNEXPECTED LOVE 29

Nagulat siya sa ginawa nito. Nanlaki ang mga mata niya.
Na-shocked siya sa ginawa nito dahil first time niyang mahalikan kaya itinulak niya ito.

Ngunit hindi ito nagpatinag. Mas hinigpitan pa nito ang pagkakahapit nito sakaniya at lumipat ang isang kamay nito sa likod ng ulo niya at mas idiniin dito.

Napahigpit nalang ang kapit niya sa T-shirt nito.

Masyadong nakakalunod ang labi nitong gumagalaw sa labi niya. Ang labi nitong paminsan minsan niyang sinusulyapan noon. Ang labi nitong mas mapula pa sa labi niya. Ang labi nitong minsan nang nagpaisip sakaniya kung ano bang pakiramdam noon kapag hinahalikan.

Na ngayon ay nangyayare na.

Napapikit siya sa ginawa nito. Hindi naman na siya inosente pagdating sa mga kissing scenes.

Kapag kasi nanonood noon ang Mommy niya ay na mahilig sa romance movie ay inaaya siya nito. Hindi na siya tumatanggi dahil mahal na mahal niya ang Mommy niya. Sila na nga lang dalawa hindi pa niya sasamahan.
Pero hindi siya tumitingin kapag hubaran na ang pinapanuod niya.

Gumalaw ang labi nito. Ginalaw narin niya ang labi niya at sinabayan ito. Ginagaya ang bawat paghagod ng labi nito sa labi niya.

Napasinghap siya nang kagat-kagatin nito ang labi niya.

Umakyat ang kamay niya sa buhok nito at humawak ng mahigpit, paminsan minsang hinahaplos.

Bumuka ang labi niya kasabay ng pagpasok ng dila nito sa loob ng bibig niya.

Kumawala ang ungol sa labi niya sa ginawa nito. Na hindi niya sinasadya dahil bigla nalang iyong lumabas sa bibig niya.

Umiinit ang paligid niya sa ginagawa nila. Pati ang katawan niya ay sobrang nag-iinit sa hindi niya malamang dahilan. Na nadagdagan pa dahil sa masuyong pag haplos ng palad nito sa likod niya.

Ramdam na ramdam niya ang pag-haplos ng balat nito sa balat niya. Pano'y umaangat ang damit niya dahil sa tubig.

Wala sa sariling ginaya niya ang ginagawa nito sa bibig niya. Hindi niya alam pero sarap na sarap siya sa ginagawa nila.

Pumulupot ang dalawang binti niya sa bewang nito.

Lumipad na paalis sa isip niya na nasa malalim pala silang parte ng tubig dahil sa ginagawa.

Mas hinapit siya nito papalapit dito. Magkadikit na magkadikit na ang katawan nila.

Mas idinikit nito ang mga labi nila. Naglalasahan ng kani-kanilang laway.

"Hmm."

Sinipsip nanaman nito ang labi niya na gustong gusto niya na ginagawa nito.

Hinihingal silang pareho nang maghiawalay ng kanilang mga labi.

Pareho silang napatitig sa isat-isa. Walang tigil ang pagtibok ng malakas ang puso niya. Ganun din si Kent dahil nakapatong ang palad niya sa dibdib nito. Halos pareho kung gano kalakas ang tibok ng puso nila.

Ganun parin ang posisyon. Siya, nakapulupot ang mga binti sa bewang nito habang nakasabunot ang isang kamay sa buhok nito at nakapatong ang isang palad sa dibdib nito. At ito naman ay nasa likod parin niya ang isang kamay at nakahawak parin ang isa sa likod ng ulo niya. Hinihingal na nakatitig sa isat isa.

Luminaw sa isip niya ang mga nangyari. Napasinghap siya at biglang napabitaw dito. Itinulak niya ito.

Hindi rin nito inaasahan ang pagtulak niya dito kaya napabitaw ito sakaniya.

Lumubog siya sa tubig sa tubig sa ginawa niya. Nawala sa isip niya na nasa malalim pala sila ng parte ng tubig.

Nakainom siya ng tubig sa ilalim.  Pinilit niyang umahon ngunit hindi niya alam kung paano.

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon