UNEXPECTED LOVE 20"Aray!" Hiyaw nito.
Tiningnan siya nito ng masama.
"Ang bigat ng kamay mo ah! Nakakasakit ka!"
"Alam mo, lumayas ka nalang dito! Wala namang magandang lumalabas diyan sa bunganga mo!"
"O baka naman naisip mong nag aalala ako sayo pero hindi naman talaga?" Ngumisi ito sakaniya.
"Ang kapal naman ng mukha mo. Nagtanong lang ako tapos ikaw naman 'tong kung ano anong pumapasok sa utak."
"Aminin mo na kasi. Yun naman talaga inisip mo e.—"
Inambahan niya ito ng kawali.
"Hoy tangina masakit yan!"
"Oo at tatama 'to sa ulo mo kapag hindi ka lumayas dito sa kusina!"
"OH! MAGSIKAIN NA KAYO!" Sigaw niya mula sa kusina. Tapos na niyang ihanda ang mga Plato nito at nakahain narin sa mesa ang ulam at kanin. Required kasi ito sa mga dapat niyang gawin. Nung una niyang ginawa ito ay kulang nalang ay mabasag ang Plato kapag inilalapag niya sa mesa sa inis niya. Napailing siya sa naalala niya. Nabulyawan pa nga siya ni Kent nung una e. Tss.
Mabuti nalang at marunong siyang gumawa ng mga gawaing bahay. Natuto siya mula nang mawala ang mommy niya. Malamang, kailangan niyang matuto lalo pa't pinalayas noon ni Ronald ang mga maids nila.
Bigla niya tuloy naalala ang bwisit na Ronald na iyon.
Tiningnan niya ang ginagawa niya sa mesa.
Kaya kailangan niyang habaan ang pasensiya niya at babaan ang pride niya para hindi makalaya ang peseteng iyon.
Sunod sunod namang nagsidatingan ang mga ito maliban kay Kent.
Umupo ang mga ito sa kaniya kaniya nilang upuan. Mukhang para sakanila talaga ang mga upuan na ito kapag pumupunta dito dahil apat na upuan ang nandito.
So ibig sabihin, siya ang walang upuan. Tss. Ayos lang.
"Wow! Parang ang sarap ah." Nakangiting sumandok si Dwyth ng kanin at naglagay ng ulam.
Ganun na rin naman ang ginawa nina Ivan at Josh.
"Baka may lason to ah." Si Ivan.
"Walang lason 'yan. Hayaan mo sa susunod lalagyan ko na." Sagot niya.
"Anong pinag uusapan niyo diyan?" Pumasok si Kent sa kusina at umupo sa upuan niya.
Nagsimula na rin itong sumandok at kumain.
"Lalasunin daw tayo nitong alipin mo sa susunod na kumain tayo dito." Natatawang saad ni Josh.
"Oo nga lakas ng loob e. Buti nalang at masarap siyang magluto kung hindi baka nagkapasa na yan."
Tiningnan niya si Ivan. "Ah talaga? Nakakatakot ah."
"Tama na nag yan! Nakakarindi mga bunganga niyo e." Saway ni Kent.
Nagtitigan naman sila ng matalim ni Ivan.
"Ikaw? Di ka pa ba kakain?" Tumingin sakaniya si Kent.
"Sa bahay nalang ako kakain." Tiningnan niya si Ivan. "Ikaw maghugas ng mga pinagkainan niyo para naman may pakinabang ka."
At mabilis siyang lumabas ng suit nito.
"THAT BASTARD! He stole my first kiss! How dare him! I want my first kiss for Danrick!"
"Oh well. You can't do anything about it, Cassy."
"Hindi porket siya ang President ng school na'to siya na ang masusunod sa lahat! That jerk! Ugh! I really hate him! He's always pestering the hell out of me!"
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Любовные романы"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto