Chapter Twelve

4.1K 110 2
                                    


UNEXPECTED LOVE 12

"Malandi kang babae ka!" Sigaw nito pagkaahon nila ni Calvin sa tubig. "Ginagamit mo lang ya'ng pagiging childhood friends niyo para malandi mo siya! And look what you are wearing!"

Dinuro nito ang shot niya. Tinaasan niya ito ng kilay. "Inggit ka? Edi mag suot ka rin nito. Basic." Atska, ano naman kung ganito ang suot niya. Ito naman talaga ang isinusuot dito e. Hindi lang naman siya ang nag susuot nito. Lahat ng nagpupunta dito.

"Ang sabihin mo malandi ka! Ang galing mo rin tumayming ano? Sa araw pa talaga ng date namin?!"

"Duh. Gabi ngayon noh."

"Namumuro kana talaga sakin!"

Mabilis ang lakad na lumapit ito sakaniya at may balak pa atang sabunutan siya pero humarang na si Calvin dito.

"Rain, tama na."

"Isa ka pa!"

Dumapo ang palad nito sa pisngi ni Calvin. Umalingawngaw ang tunog noon sa bawat sulok ng kinalalagyan nila. Napabaling sa kabila ang mukha nito. Nanlaki ang mata niya sa ginawa nito.

Hay. Ang tanga naman ng babaeng ito. Ang tanga tanga.

Padalos dalos siya sa mga kilos niyang wala namang kasiguraduhan. Nainis siya sa ginawa nito sa kaibigan niya. Makakatikim talaga to saakin.

"You've canceled our dinner date para makasama ang babae'ng yan?! You asshole!" Nanggagalaiting sigaw nito. Bumaling ito sakaniya.

"Ito ang tandaan mo, Thalia. You messed up with the wrong one! Matagal na akong nag titimpi sayo! At hindi na kita papalampasin pa!"

"Tama na, Rain! Tama na!"

"Ikaw ang tama na! Tama na ang pakikipagkita sa babae'ng ito!"

"Its not what you think, okay?! Puro ka kase tamang hinala!" Inis na lumabas ito ng pinto.

"Calvin! Calvin bumalik ka dito! Calvin!"

Galit ang mukhang humarap ito sakaniya kasabay ng pagharap nito ay ang pagdapo ng palad niya sa pisngi nito.

"Para yan sa pag sampal mo sakaniyang hindi naman dapat." Binigyan pa niya ulit ito ng malakas na sampal sa kabilang pisngi naman. "At para yan sa mga walang kuwentang lumalabas sa bibig mo tungkol saamin."

"PARANG DINAANAN ng bagyo ang mukha mo ah." Sinamaan niya ng tingin si Kent na nakaupo sa upuan sa tapat ng Mesa niya habang tinatanaw siyang magluto.

Tanging boxer short lang ang suot nito. Hindi naman na siya naasiwa dahil palagi naman ganiyan ang suot nito sa unit nito sa araw araw na pumupunta siya dito. Malas lang at hindi ito nagkakasakit ng pneumonia..

"Tss. Bwisit kasi yung bruha'ng yun e. Parang tanga lang."

"Sino?" Kumuha ito ng mansanas na nasa mesa at pumunta sa tabi niya para hugasan ito pagkatapos ay kinagat.

"Si Ulan. Tinuturuan kasi akong lumangoy nung kaibigan ko tapos biglang dumating yung girlfriend niya."

"Bat ka naman nagpapaturo? Ang gurang mo na hindi ka pa rin marunong."

"Hangal. Hindi naman lahat ng tao marunong lumangoy. Kahit pa matanda na yan."

"Hangal ka rin. First year college hamggang fourth year college tinuturo ang swimming dito."

"Tumatakas ako kapag swimming lesson na."

"Yan. Tanga."

"Tanga ka rin."

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon