UNEXPECTED LOVE 37"Pauwi ako kahapon sa tinutuluyan kong apartment tapos nakita ko sila sa tapat ng apartment ko. Tatlo sila at pinagtulungan ako."
Bumigat ang paghinga nito. Kumuyom ang mga kamao. Nakikita na niya ang ugat sa braso nito.
"Yan? Anong ginawa nila diyan?" Tinuro nito ang mga pasa niya.
"Hinampas nila ng baseball bat."
"Baseball bat?" Nanggigigil na sabi nito.
Tumango siya. "Ikaw? Ano namang ginawa mo? Nabawian mo man lang ba?"
Bumuntong hininga siya. "Nahampas ko yung isa sa leeg at nasipa ko naman yung isa sa mukha. Yun lang tapos dumating yung mga lalaking taga doon at pinagtulungan sila."
Kinuha nito ang uniform niya na nakapatong sa katabi niyang upuan at binihisan ulit siya.
"Pasensiya ka na. Hindi kita naprotektahan." Mahinang sabi nito habang kinakabit ang butones niya. Inayos nito ang laso ng damit niya.
"Hindi naman kailangan. Hindi ka ba natutuwa sa nangyare saken?"
"Bakit ako matutuwa?" Asik nito.
"Kasi pinatay ko yung girlfriend mo at deserve ko 'tong lahat ng mga nangyayare saakin."
Hindi ito nagsalita. Wala siyang nakuhang sagot kung natutuwa ba ito o hindi.
Walang salita nitong hinubad ang suot na coat at pinulupot sa bewang niya at walang sabi sabing binuhat siya.
Nagulat naman siya sa ginawa nito.
"Bakit mo'ko binuhat?"
"Nilalagnat ka. Dadalhin kita clinic."
Hindi na siya umapela pa dahil gusto naman niya ang pakiramdam na buhat nito.
Hindi ito nagsalita sa sinabi niya kanina. Pero parang alam naman na niya ang sagot.
ILANG araw na ang nakalipas sa aksidenteng iyon. Kinaumagahan noon ay hindi pumasok yung apat. Hindi naman niya alam kung bakit. Tapos kinaumagahan sila pumasok na may mga pasa. Hindi naman siya tanga para hindi malaman kung anong ginawa ng mga ito.
Hindi na niya kinausap ang mga ito tungkol doon. Gusto nalang niyang manahimik. Yung walang problemang iniintindi.
Pero sarili lang naman niya ang niloloko niya. Alam niya na may malaki siyang problema. Sa bawat araw kasing lumilipas ay mas lalo atang lumalala ang pakiramdam niya.
Basta nalang siyang magigising sa gabi na masakit ang dibdib. At hindi na siya makakatulog hanggang umaga.
Palagi nalang siyang absent. Lulubog lilitaw siya sa paaralan. Pati pag aaral niya ay hindi na niya naaasikaso.
Isa pa si Kent na bumalik nanaman sa dating ugali. Yung masama ang pakikitungo.
Hindi ulit siya pumasok sa araw na ito. Umaga lang siya pumasok kahapon dahil umuwi agad siya dahil masama nanaman ang pakiramdam niya.
Nakahiga siya ngayon sa kama niya. Pakiramdam niya ay sobrang pagod na pagod siya gayong wala naman siyang ginawa kaya hindi na siya nakabangon pa sa maliit niyang kama.
Iniangat niya ang cellphone at nagsimulang nagsalita.
"Alam kong hindi ako naging perpektong kaibigan sainyo." Mahinang saad niya.
"Pasensiya na kung palagi ko kayong dinidiktahan gayo'ng may mga sarili naman kayong desisyon may sarili naman kayong buhay at kaibigan niyo lang naman ako. Kayo nalang kasi ang natitira saakin at ayokong mapahamak kayo dahil natatakot ako na baka may mangyare sainyo. Ayokong mawala din kayo sakin. Mahal ko kayo. Siguro hindi niyo ramdam kasi alam niyo naman ako, hindi ako sanay magpakita ng mga kilos na mahalaga kayo saakin, siguro pakiramdam niyo ginagawa ko lang kayong mga alipin ko. Taga gawa ng mga projects ko at mga assignment ko. Tamad kasi ako alam ko naman yon.
Gusto kong malaman niyo na proud ako sainyo. Hindi ko alam kung bakit basta proud ako sainyo. Alam kong ginawa niyong itinago na ako yung may sala dahil ayaw niyong mapahamak ako. Pasensiya na kung nagalit ako sainyo noon. Pero ayoko rin mabuhay na inosente gayong ako naman talaga yung may sala.
Sa ngayon, miss na miss ko na kayo. Sana magka-ayos na tayo kasi miss na miss ko na kayo." Tumulo ang luha niya.
"Kailangan ko kayo kaya sana ay umuwi na kayo." Napahikbi siya.
"Gusto ko kayong mayakap kahit sa huling sandali. Gusto ko kayong makita. Bumalik na naman ang sakit ko at hindi ko na alam ang gagawin ko."
Sinend na niya ang voice mail niya dahil ayaw na niyang magsalita pa. Baka puro iyak nalang ang magawa niya.
"THALIA, bakit palagi ka nalang absent? May nangyare nanaman ba sayo?" Tanong ni Ivan sakaniya.
"Gusto ko lang magpahinga." Sumandal siya sa pader at tumingin sa langit. Unti unti itong nagdidilim na parang uulan mamaya ng malakas.
"Bakit parang ang bait mo naman na ata saakin? Dati kulang nalang sakalin mo'ko tuwing makikita mo ako."
Mahinang itong natawa. Sumandal din ito sa pader katabi niya. "Pasensiya na. Galit din talaga ako sayo dahil malapit din ako sa mga magulang ni Kent. Pero nung malaman ko na may sakit ka rin sa puso parang naglaho lahat ng galit ko sayo. May sakit din kasi sa puso ang kapatid kong babae at namatay siya bata palang kami."
"Ganun din naman kakalabasan ko. Mamamatay din ako."
"Wag kang magsalita ng ganiyan. May pagkakataon ka pa naman. Bakit hindi ka magpagamot? Magpa-opera?"
"Kulang ang pera ko. At masyado narin akong mahina para suportahan pa ang sarili ko. Nawawalan na ako ng pag asa.
Baka bukas o sa makalawa mawala na ako sa mundong ibabaw. Ramdam ko na ang kahihinatnan ko. Kaya inieexpect ko na rin ang due date ng expiration ko. Pinipilit ko lang naman lumaban para pagbayaran ang mga kasalanan ko kay Kent. Malamang kapag nawala na ako matutuwa siya.""Maniwala ka saken. Hindi niya magugustuhan yang sinasabi mo. Kung ako sayo sasabihin ko na ang totoo. Dahil baka mabaliw 'yon."
Sandali silang natahimik.
"May aaminin ako sayo."
"Wag mong sabihing may gusto ko saken."
Hinampas niya ito. "Sira!"
Bumuntong hininga siya. "Aksidente ang lahat ng nangyare." Simula niya.
"Ha? Paanong aksidente e kitang kita dun sa CCTV footage na sinurrender na na nabangga mo siya. Lasing ka non. Tapos itinakas ka pa ng mga kaibigan mo. Gumegewang ka pang bumagsak pag labas mo ng kotse at gumapang ka papalapit kay Kyra sa sobrang kalasingan mo."
Sasabihin na niya dito. Hindi niya alam kung magkakaroon pa siya ng pagkakataong mag paliwanag kay Kent sa sobrang tigas nito.
"Hindi ako lasing. Tinurukan ako ng drug ni Ronald. Ang step dad ko. Hindi niya ako tunay na anak. Kinamumuhian ko siya. Isang araw umuwi siya. Nakapatay daw siya ng mag asawa at hinahanap na daw siya ng mga pulis. Hindi daw siya papayag na makulong agad nang hindi ako napapagsamantalahan kaya tinurukan niya ako ng droga pero nakatakas ako. Sinabihan ko ang mga kaibigan ko na salubungin ako. Sa sobrang pagkahilo ko hindi ko na namalayang may nasagasaan na pala ako."
Tiningnan niya si Ivan. Mukhang shock na shock ito sa sinabi niya.
"Nagising nalang ako na walang matandaan. Siguro pinilit talaga ng utak ko na wag alalahanin iyon kaya hindi ko na talaga naalala. Naalala ko lang nung pumasok ako sa kwarto ni Kent at nakita ang litrato ng girlfriend niya na kamukha nung nasagasaan ko."
@ImTheSexyRed
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Romance"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto