UNEXPECTED LOVE 25Pagkahampas niya doon sa isa ay ganun din ang ginawa nito sa isa pang sumugod sakaniya.
Bawat galaw ng braso nito ay nag f-flex ang muscles nito at parang namagnet na yata ang mga mata niya doon.
Kingina. Kailan pa siya naging interesado sa muscle?
Napatingin siya sa mukha ni Kent. Ang dami nitong kalaban na sumusugod sakaniya pero parang sisiw lang dito. Ganun ba talaga ito kagaling makipag basag ulo? Gangster eh.
Parang wala lang dito ang bawat hampas nito sa mga kalaban. Napapasigaw ang mga kalaban nito sa bawat hampas niya.
Umiwas siya ng tingin dito. Hindi niya alam kung inaakit siya nito o sadyang ganun lang talaga siya makipag basag ulo?
Kumakagat labi kasi ito kada hampas o kada sipa nito sa mga kalaban niya. Naniningkit ang mga mata. Pati ang buhok nitong itim na itim at sobrang bagsak na sobrang shiny na dinaig pa ang buhok niya na mamasa-masa dahil sa pawis ay sumasabay sa bawat galaw nito.
Nang matapos itong makipag basag ulo ay pumasok ito sa kotse. Lumipat naman siya sa passenger seat.
Lumingon ito sakaniya at ngumisi.
"Ano? Ayos ba?"
"Anong ayos?"
"Ayos ba 'yong basag ulo namin?"
"Pwede na."
"Anong pwede na? Ang galing ko kaya."
Yabang ang kingina.
Kinuha nito ang cellphone at nag type. Tapos ay ibinalik sa dashboard.
"Ano yan?"
Itinuro niya ang mga lalaking nakahandusay sa daan.
"Patay na ba yan?"
"Hindi. Di ko naman masyadong pinuruhan."
"Oh? Edi papabayaan nalang yan diyan?"
"Daming tanong. May maglilinis niyan diyan."
Binuhay nito ang makina at saka sila umandar papasok sa village. Medyo malayo naman kaya hindi nakita ng mga bodyguard ang mga pangyayare.
"Wait. Anong ginagawa ng mga iyon sa tapat ng village na tinitirhan ko?" Takang tanong niya.
"Hina-hunting ka nila."
"Bat ako? Di ko naman yan inaano." Kunot noo niya.
Parang tanga. Ba't siya inaabangan ng mga yon.
"Ang alam kasi ng mga gangster na kinakalaban ang grupo namin ay girlfriend kita."
"Ano?!" Nagulantang siya. "Asan naman ang proweba nila? Ha? Kailan? Saan? Pano nila nasabi?"
Natawa ito. "OA. Naalala mo nung nag grocery tayo?"
Hinalukay niya ang isip niya.
"Oh Kent. Di mo sinabing may bago ka na pala'ng girlfriend."
"Oh e ano naman."
Ngayon ay naalala niya. Hinampas niya ito.
"Bat kasi ganon ang sagot mo!"
"Aba malay ko."
"Anong Hindi mo alam e ikaw ang sumagot non!"
Binatukan niya ito. Napasimangot ito sakaniya.
"Nakakarami ka na ah! E sinagot ko iyon para pag initan ka rin nila kasi diba galit ako sayo non!"
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Romance"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto