Chapter Fourteen

3.9K 96 2
                                    


UNEXPECTED LOVE 14

"Thalia!"

Narinig niya ang boses ng mga kaibigan niya. Mabilis itong nagsilapit sakaniya at itinulak ang lalaki palayo sakaniya.

"Wala kang karapata'ng sakalin siya! Walang hiya!" Sigaw ni Rose Ann dito. Hinawakan niya ang balikat nito para patigilin ito. Nag hahabol parin siya ng hininga sa ginawa nito.

"Ayos ka lang ba ha, Thalia?" Nag aalalang tanong ni Melissa.

"May iba pa ba yang ginawa sayong lalaking iyan?" Hinawakan ni Janine ang mukha niya.

Hindi niya binigyang pansin ang mga ito. Nakatitig lang siya sa lalaking nagbabaga ang tingin na ipinupukol sakaniya. Malamig na tingin lamang ang ibinibigay niya dito.

"Ah. Kapatid mo pala ang hayop na iyon?" Nginisihan niya ito. "Kaya pala." Tumango tango siya.

"Oo! At wala kang karapatang saktan siya! Nag kamali ka ng ginalaw mo!" Kung may hawak siguro itong baril ay kanina pa kumalat ang utak niya sa sahig.

"At nagkamali rin siya ng ginalaw niya."

"Baliw ya'ng kapatid mo eh. Binasagan ako ng paso sa ulo. Sinong matutuwa dun diba?" Dagdag niya. Napakunot-noo lang ito sa sinabi niya. Nagulat din ang mga kaibigan at mga taong nakarinig.

"Kaya kung ako sayo. Ilayo layo mo yang kapatid mo saken dahil malilintikan siya. Sabihin mo rin, bawas bawasan niya pagiging selosa niya. Dahil wala akong balak agawin ang boyfriend niya."

"Sigurado ka? Ha?! Sigurado ka sa ibinibintang mo?! Kasama ko siya nung mangyare ang insindente dito. Nasa rest house kami nung mga panahong iyon! Paano mo masasabe'ng siya ang gumawa non?! Tanga ka ba?! Ha?! Tanga ka ba!" Galit na galit ito. Kuyom na kuyom ang mga kamao nito at para bang gusto siyang saktan kahit na nandito sa harapan niya ang mga kaibigan niya.

Siya naman ang napakunot ang noo.

Imposible ang sinasabi niya! Kilala ko ang boses ng kapatid niya at malinaw na malinaw iyon sa pandinig niya. Paanong nasa rest house ito nung mga panahong iyon? O Baka naman pinag tatakpan niya ang kapatid niya?

At isa pa ito lang naman ang may galit sa kaniya, matagal nang panahon.

"Sigurado ako. Narinig ko ang boses niya. O baka pinagtatakpan mo lang yang kapatid mo?" Kinunutan niya ito ng noo.

"Wag mo Kong gawing sinungaling! Kung totoo yang sinasabi mo tungkol sa kapatid ko hindi ko yan kukunsintihin! Putangina! Binugbog mo pa talaga yung kapatid ko! Hayop!"

"Putangina mo rin! Hayop ka rin! Tanga ka rin! Nagsasabi lang ako ng totoo at hindi ako nag kakakamali!" Sigaw niya rin dito.

"Ikaw ang nag kakamali! Hindi ka katulad ng kapatid ko! Hindi iyon nananakit at mabait yon! Tapos bubugbugin mo lang?! Tangina! Pasalamat ka babae ka! Dahil kung hindi, papatayin kita!"

"Hah! Takot na takot ako Kent, takot na takot. Ito lang ang masasabi ko sayo, hindi mo pa masyadong kilala ang kapatid mo. Lahat ng tao, may tinatagong baho. At malamang isa na don ang kapatid mo!"

Hindi na niya narinig pa ang sagot nito dahil hinila na siya ng mga kaibigan niya paalis doon.

"THALIA TOTOO ba 'yon?"

Kanina pa tanong nang tanong ang mga kaibigan niya. Dinala siya ng mga ito sa lugar ng paaralan nila kung saan may mga benches at mga malalaking puno sa paligid kaya hindi mainit. Nakahiga siya sa bench habang ang mga kaibigan niya ay tabi tabing nakaupo sa katapat ng bench na kinahihigaan niya.

"Oo." Sagot niya at napabuntong hininga. Wala nang dahilan pa para itago iyon. Narinig na nila e.

"Yang babae talagang iyan!" Gigil na sabi ni Janine.

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon