UNEXPECTED LOVE 34Pumasok siya kinabukasan. Hindi siya pumunta sa unit ni Kent dahil malamang wala na siyang karapatang' pumasok doon. At hindi narin gugustuhin ni Kent na pumasok siya doon.
Siguro sobrang guilty ni Kent sa girlfriend nito. Na pinapasok ni Kent ang isang katulad niya sa unit nito na kung saan palagi siguro silang nagbobond.
Hindi niya dinala ang cellphone niya dahil panay ang kontak sakaniya ng mga kaibigan niya na hindi naman niya pinapansin.
Naalala niya yung unggoy niya. Sana naman ay hindi nila idamay ang unggoy niya doon. Wala naman iyong kasalanan.
"Nabalitaan mo na ba, alam na ni Kent kung sino ang sumagasa sa girlfriend niya!"
"Oh my god! Really? Sino?"
"I don't know. Basta kalat na dito sa campus na nahanap na daw kung sino ang pumatay kay Kyra. Narinig daw kasi ng isang estudyante na nag-uusap sila ng mga kaibigan niya. At dito daw pumapasok!"
"What? Kapwa estudyante din natin? Siguradong pagkakaguluhan siya dito ng mga estudyante once na malaman nila kung sino siya!"
"Yeah you're very right. Imagine. Si Kyra ang Ex School President na sobrang bait sinasagasaan niya lang at tinakasan. Malilintikan talaga siya sa mga students na sobrang minahal si Ms. President."
"Yeah right. Kung sino man siya makakatikim din siya saakin."
Mabilis siyang naglakad palayo sa dalawang estudyanteng nag uusap.
Napahilamos siya sa mukha niya.
So alam na nilang lahat?
Napakagat labi siya.
School President siya dito at sobrang bait? Sa lahat ba naman ng masasagasaan niya. Mabait na tao pa. At marami pa'ng nagmamahal sakaniya di lang sa mga magulang nito, sa boyfriend nito dahil pati narin sa mga estudyante dito sa school. Sana yung mga masasamang tao nalang katulad niya.
Sobra-sobrang konsensiya na ang nararamdaman niya.
Umupo siya sa gilid ng hallway na walang dumadaang tao at tiningnan niya ang nanginginig na mga kamay niya.
Ang mga kamay niyang madumi. Ang mga kamay niyang binabalutan ng dugo. Mga kamay niyang namali ng direksiyon dahilan kung bakit siya nakapatay.
Inipon niya ang buhok galing sa mukha niya at tahimik na lumuha doon.
Ang iyakin na niya. Hindi naman siya iyakin pero napapadalas na ang pag-iyak niya. Siguro ay mas dadalas pa ito sa susunod na mga araw.
Nang oras na ng recess ay pumunta siya ng canteen at bumili ng mga pagkain nito. Pera niya ang ginamit niya.
Dumiretso siya sa HO ng mga ito. Pumasok siya at naabutan niya ang mga ito na nag uusap. Nunit napatigil sila ng marinig na bumukas ang pinto at pumasok nga siya.
Kahit hindi siya nakatingin kay Kent ay ramdam na ramdam niya ang matatalim na tingin nito.
Tahimik niyang nilagay iyon sa mesa nila na bagong bili bago sulyapan ang unggoy niyang puno naman ng pagkain ang kulungan at natutulog na. Mukhang binigyan nila ng pagkain ang unggoy. Mabuti naman at hindi nila ito dinamay.
Ngunit bumalik ang tingin niya sa mesa nang sipain ni Kent ang mga pagkaing binili niya. Nag isang linya ang mga labi niya bago tumingin dito.
"Hindi naman ako nagbigay ng pera'ng pambili nito. At hindi rin ako tatanggap ng mga bagay na mula sayo."
Hindi siya nag salita. Nakatingin lang siya dito. Ang mga kaibigan naman nito ay tahimik lang din.
"K-kung ganon, akin na yung pera'ng pambili ng pagkain niyo."
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Romance"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto