UNEXPECTED LOVE 5"Mag q-quiz ba?" Tanong ko sakanila. Tumango si Melissa.
"Oo. Sa math. Lesson 2 hanapin mo jan at magreview ka na." Nagbuklat narin sila ng libro. Ganun din ang ginawa ko at nagsimula nang mag review.
"Sino yung kasama niyo kahapon?" Tanong ko habang nakatutok parin ang mata sa nirereview ko. Kumuha narin ako ng ballpen para isolve kung paano. Wala akong ideya e.
"K-kasama kahapon?"
"Oo. Kailangan ko pa bang ulitin?" Medyo naiirita kong sagot.
"S-sina Ivan, Josh at Dwyth. Bakit mo natanong?"
"Kahapon lang kayo nagkakilala tapos hinayaan niyo'ng ihatid niyo sila sa bahay nila. Sa pagkaka-alam ko, elite students lang ang nakakapasok dito kaya imposibleng wala silang sariling sasakyan o driver. At close niyo ba sila para magpahatid sila sainyo?"
Naguguluhan nila akong tiningnan. "Teka, ano bang problema mo? Ano bang masama dun?"
"Masama? Wag kayong sasama sa mga taong hindi niyo pa naman masyadong kilala. Baka kung anong gawin nun sainyo!"
"Ano bang ipinuputok ng butsi mo jan Thalia? Nakikipag kaibigan lang naman yung mga tao." Naiirita na sila.
"Kaibigan? Sa pagkaka-alam ko hindi naman kayo basta basta nakikipag kaibigan lang. Bakit? Nag-gwapuhan kayo kaya pumayag naman agad kayo?"
"Sumusobra kana Thalia. Ano bang gusto mong palabasin ha? Na malalandi kami ganon?"
"Bakit? Hindi ba?" Wala akong pakilam kung masaktan sila sa mga sinasabi ko. Basta ang gusto ko layuan nila ang mga lalaking iyon.
"Magmula ngayon ayoko nang makita na kasama niyo ang mga lalaking iyon, naiintindihan niyo ba?"
"Hindi naman lahat ng gusto mo pwedeng masunod, Thalia. May sarili rin kaming mga isip. Hindi naman pwedeng ikaw ang mag isip ng para saamin."
Sarkastiko akong napatawa sakanila. After what I've done for them? What the fck? Kung hindi dahil sakin hanggang ngayon isa parin silang mga lampang nerd na laitin lang ng konti iiyak na. Kung Hindi rin dahil saken malamang hanggang ngayon binubully parin sila ng mga estudyante dito at kukutyain ang mga pagkatao nila. At isa pa, wala akong naging desisyon para sakanila na ikinasama nila. Lahat ng ginawa ko para sa mga ikabubuti nila. Tinutulungan ko sila sa lahat ng mga problema nila. At kahit ganito ako sakanila umasta, malaki parin naman ang pakinabang ko sakanila. Ako lang naman ang dahilan kung bakit walang nang bubully sakanila.
"Wala akong pakialam okay? Basta ayokong makita kayong lumalapit doon. Kapag nilapitan kayo, lumayo agad kayo. Ngayon kung ayaw niyong sumunod saakin. Mag kalimutan na tayo."
Hindi na sila umimik. Pero ramdam ko ang pagkairita nila. Naiirita sila dahil akala nila kinokontrol ko ang bawat galaw nila. Minsan ko lang naman sila kontrolin. Yun ay kapag nakikita kong Mali na ang bawat ginagawa nila. Yung mga sinasabi ko sakanila'ng mga kung ano ano wala lang yun sakin. Walang ibig sabihin iyon sakin. At yung mga pagpapagawa ko sakanila ng mga assignments yun ay dahil tamad lang akong tao. Tamad akong gumawa at wala akong panahon sa mga ganiyan.
"Tayo lang ang pwedeng makaalam nitong pinagusapan natin naiintindihan mo ba? Kapag nalaman to ng mga kaibigan mo, alam mo na ang mangyayare sakanila at sa bahay niyo naiintindihan mo?"
"Now I am going to announced who has the highest score."
Napaikot ako ng mata. Pati ba naman yan kailangan pang iannounce. Mababago ba ang score kapag inanounce yan? Tss.
"Okay.." Binuklat nito ang mga papel namin. Napakunot noo ito nang matapat sa isang papel. Napabuntong hininga ako at tumingin sa bintana. Ang tagal!
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Romance"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto