UNEXPECTED LOVE 3
"Ah. Shet!" Nasapo ko ang noo ko. Ano to bakit ang sakit ng ulo ko?
Iminulat ko ang mata ko at bumungad saakin ang pamilyar na kwarto. Pero hindi ko to kwarto. Kwarto to ni Janine! Ano namang ginagawa ko dito?!"Thalia! Gising kana pala." Pumasok silang tatlo sa kwarto. Naguguluhan ko silang tiningnan.
"Anong ginagawa ko dito?" Umupo ako sa kama. "At ang sakit ng ulo ko. Anong nangyare?"
Naguguluhan nila akong tiningnan. "W-wala kang naaalala?"
"Naaalala'ng ano? Ano bang nangyare? May tinatago ba kayo saakin?" Galit ko silang tiningnan.
Tumawa ng malakas si Melissa. Tiningnan ko siya ng masama. Siraulo wala namang nakakatawa.
"Ito naman si Thalia Hindi na mabiro!" She laughed. "Naglasing ka kagabi. Sa sobrang kalasingan mo nawalan kana ng malay tapos iniuwi nalang namin ikaw dito sa bahay namin." Si Janine. Nakitawa naman yung dalawa.
"Pinagsasabi mo? Umuwi ako kagabi sa bahay ng maaga. Nauna pa nga ako sainyo diba? Naglinis pa nga ako pagdating ko dun e." Naalala ko yun. Sa taxi pa nga ako sumakay e. I guess?
"Gaga! Panaginip mo lang yon. Oh change topic. Inumin mo na tong gamot mo sa sakit ng ulo at baka ihampas ko to sayong basong to." Si Rose Ann.
"Iinom inom pa kasi hindi naman kaya ang sarili." Si Melissa.
Tss. Baka ganun nga ang nangyare. Kinuha ko ang basong may tubig at kinuha ang gamot sa kamay ni Rose Ann. Pero umuwi talaga ako kahapon e. Tss. O baka hindi talaga?
"Baka lason to ah?" Ininom ko ang gamot.
"Nagtanong ka pa. Lason talaga yan gaga. Para yan sa pang aabuso mo sa kabaitan namin."
Naibuga ko ang tubig sa mukha niya. "Ano?!"
"Oh my god! Yaksss! Thalia!! Kadiri!" Nagtatatakbo si Janine palabas ng kwarto. Natawa kami.
"Gaga! Nagbibiro lang naman si Janine binugahan mo. Ew!" Si Melissa.
"Tss. I know."
"HELLO?"
"Sir. May nakuha na po akong balita tungkol Kay Ronald Acosta."
Umupo ako sa sofa. "Anong balita?"
"TOL! Papasok ka agad? Kakalibing palang ng mga magulang mo kahapon at ng girlfriend mo." Humabol silang tatlo saakin sa paglalakad. Papasok kami ng gate ng university.
"Anong gusto niyo, magmukmok ako sa bahay."
"Hindi sa ganun pre. Siyempre pagod nung mga nakaraan at masyadong masakit ang mga nangyare sa buhay mo kaya kailangan mong magpahinga."
"Kailangan Kong pumasok. Dahil sabi ng kinuha Kong imbestigador dito nag aaral ang anak ng Ronald Acosta na iyon."
"Ano?! Shet! What a coincidence."
"Yeah right. Her name is Thalia Montes."
Pumasok kami sa room. Magkakaklase kaming apat. Umupo kami sa upuan namin.
"Montes? Bakit hindi Acosta?" Nagtatakang tanong ni Dwyth.
Sumandal ako sa upuan."Gamit niya ang apelyido ng ina niya."
"Ano nang plano mo? Don't tell me idadamay mo siya sa problema ng tatay niya?" Tiningnan ako nila akong tatlo.
Tumingin ako sa board. "Damay damay na'to. Dahil sa Ronald na iyon nawala ang mga taong mahal ko sa buhay. Kaya idadamay ko rin ang anak niya. Malamang magsusumbong iyon sa tatay niya sa mangyayare sakaniya."
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Romance"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto