Chapter Nine

4.1K 99 2
                                    


UNEXPECTED LOVE 9

"Ano yan? Sino sila?" Tanong niya dito kahit na may ideya na siya. Hindi na rin naman lingid sa kaalaman niya na gangster ito at malamang ay takaw gulo ito. Pero gusto niya lang naman makasigurado.

"Tao sila. At sa tingin ko mga kalaban ko rin sila." Kaswal na sagot nito. Wala man lang kababakasan na pagkabahala sa mukha nito o kung ano pa mang negatibong emosyon.

Ngali ngali niya itong sipain sa sagot nito. Alam naman niyang tao ito. Pero ang ibig sabihin niya doon ay kung mga gangster ba ito o mga kaaway niya lang sa kung saan.

"Oh e ano naman." Sagot nito sa mga lalaki. Sinamaan niya ito ng tingin ngunit Hindi naman ito nakatingin sakaniya. Deretso lang naman itong nakikipag titigan doon sa mga kalalakihan.

Pwede namang sabihin niya nalang na 'Hindi ko yan girlfriend'
Tapos iyon pa ang isinagot. Ano na lang ang iisipin ng mga iyon? Na girlfriend siya nito? Mamamatay muna siya bago maging girlfriend nito noh.

Hindi nalang siya umimik. Tumingin nalang din siya sa mga kalalakiha'ng iyon.

"Hindi kana nahiya sa girlfriend mo, dalawang linggo palang na inililibing may bago agad. Matindi ka rin e noh?"

Pansin niyang humigpit ang hawak nito sa plastic bag na dala. Blangko ang mukha nito ngunit batid niyang napipikon na ito. Lalo pa't girlfriend nito ang pinag uusapan.

"Sayang. Oh baka di mo naman talaga mahal kaya pinalitan mo agad? Kung alam ko lang, edi sana matagal ko na siyang inagaw sayo."

Medyo napangiwi siya sa sinabi nito. Ang lakas naman ng loob nito. Buti naman kung patulan siya ng dating girlfriend ni Kent e mukha siyang monggo, Mongoloid.

"Pahawak nga nito." Ani Kent. Hindi naman na siya nagreklamo kahit kulang nalang ay maputol na ang braso niya.

Mukhang makikipag bugbugan e. Hayaan nalang. Tska gusto niya ring makakita ng live show na bugbugan. Gustong gusto niya kasing makakita ng mga nag aaway.

"Ihahatid ko lang 'to sa kotse. Paki tagal talagal'an niyo ang bugbugan. Babalik agad ako at manunuod."

Nagsimula na siyang mag lakad papunta kung nasaan ang kotse nito para mailagay na niya ang mga hawak niya. Sa loob loob niya ay minumura na niya ang lalaki. E ang layo naman kasi ng pinag park'an nito. Nang sa wakas ay nailagay na niya ang mga plasctic bag sa back seat ay agad niyang sinarado ang pinto. Tiningnan niya ang kamay niya at grabe ang pamumula nito. Latang lata ang kamay niya. Akala niya talaga mapuputol na ang braso niya e.

Tumalikod na siya para sana puntahan sina Kent ngunit sumalubong sakaniya ang dalawang lalaki sa harap niya. Napakunot noo siya. Sa pagkakatanda niya. Ito yung dalawa sa apat na kalaban ni Kent sakaniya.

"Anong tinitingin tingin niyo jan? Ako ba kalaban niyo?" Mataray na tanong niya dito.

Sa halip na sumagot ay pinasadahan lang ng mga ito ang legs niyang nakalantad. Atska ngumisi sakaniya.

"Ayos pala tong bagong jowa ni Kent 'pre. Ang sexy. Tapos ang ganda pa."

Nakangising sabi nung blonde ang buhok dun sa isa pa niyang kasama.

I know right

"Sumama ka samin kung ayaw mong masaktan."

Sabi nung kasama nung blonde. Mukhang suplado dahil Hindi man lang umiimik.

"Ayoko." Matigas niyang sabi sa mga ito.

"Mukhang mapipilitan tayong kaladkarin to 'pre. Tulungan mo'ko dito bago pa dumating ang boyfriend nito." Sabi nung blonde.

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon