UNEXPECTED LOVE 2
"Oh pano, maiwan kona kayo. Uuwi na'ko." Paalam ko sa mga kaibigan ko. Oh kung kaibigan ba'ng matatawag ang mga walang kwentang katulad nila. Hindi ko ata yan kaibigan e, mga alalay ko yan. Ay hindi, meron naman pala sila'ng kwenta. De joke lang. Mahal na mahal ko mga yan.
"Hoy!" Tawag ko kay Melissa. Tinaasan naman ako nito ng kilay.
"Wag mong kakalimutan yung assignment ko ah? Kailangan kona iyon bukas." Kinuha ko ang shoulder bag ko sa couch.
"Opo ma'am 'kakahiya naman sayo."
"Dapat ka talagang mahiya noh. Sa gandan Kong to? Tatanggihan mo'ko?"
"Oo na! 'Kaw na maganda. Lumayas kana nga. Dumadagdag ka pa sa air pollution e. Putak ka nang putak!" Si Janine.
Hinampas ko siya ng bag. "Sipain kita sa ngala-ngala makuha mo. O siya! Aalis na'ko nakakasuka mga face niyo."
Napailing nalang si Rose Ann saamin. Isinampay kona sa balikat ko ang shoulder bag ko at naglakad palabas sa mausok at maingay na bar.
Nag abang ako ng taxi at umuwi na sa bahay. Tinatamad akong mag bar ngayon kaya umuwi ako. Hindi lang iyon. Sumisikip ang pag hinga kapag nakaka- Amoy ng usok. Hindi ko alam, dati sanay na sanay naman ako sa ganiyan. Pero ngayon, ay ewan. People change, you know.
Binuksan ko ang pinto at tumambad saakin ang makalat na living room. Napaikot ako ng mata. Pesteng Ronald iyon. Lagi nalang dito'ng nagkakalat akala mo naman may tagalinis dito'ng maid! Wala naman! Ako lang naman ang taga-linis dito.
Siguradong wala nanaman iyon ngayon. Ewan ko kung saan ba yan nagpupupunta. Palagi nalang wala. Siya si Ronald Acosta, ang step father ko. Pinakasalan niya lang naman si Mommy dahil sa pera. At siguradong siya rin naman ang dahilan kung bakit namatay si Mommy. Pinatay niya si Mommy para siya ang magmana ng pera. Para ano? Para pabagsakin niya ang kompaniya ng dati niyang asawa na iniwan siya para sa ibang lalaki. Pero ang tanga. Hindi naman nagtagumpay. Kasi mas makapangyarihan iyon kesa sakaniya. Ang kinalabasan, ang komapaniya namin ang bumagsak dahil lang naman sa katangahan niya. Never in a million years na mapapatawad ko ang hayop nayon. Wala siyang kwenta.
Nakasimangot Kong binalibag ang shoulder bag ko sa couch at tska nag linis ng mga kalat. Gusto ko, kahit wala na si mommy. Manatili parin na malinis ang buong bahay. Ayaw niya kasi na madumi ang bahay at baka magkasakit kami.
Dalawang taon na ang nakalipas nang mamatay si Mommy dahil binaril ito habang lulan ng kotse papunta sa kompaniya. Ronald said na ang kalaban sa kompaniya ang may gawa nito Kay mommy pero hindi ako naniwala. Pag mumukha niya palang hindi na katiwa-tiwala. Akala mo kung sinong anghel kapag nandiyan si Mommy pero demonyo kapag nakatalikod na. Kadiri siya!
Nang matapos Kong ligpitin ang mga kalat ay pumunta naman ako sa kusina para hugasan ang mga pinggan. Nang matapos ay umakyat na ako sa taas para magbihis at nang makatulog na.
NAPABALING ang atensiyon ko sa pinto na kanina pa katok nang may katok. Kinuha ko ang backpack ko sa kama at isinukbit iyon. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at inilagay sa bulsa nang skirt kong 3 inches above the knee. Lintik na palda to, parang pang pokpok.
Kunot noo'ng tinungo ko ang pinto para pagbuksan ang baliw Kong ama ama'han.
"Anong problema mo Ronald? Gigibain mo ba ang pinto ko?" Galit na sikmat ko sakaniya. Sinarado ko ang pinto sa likod ko. Ni-lock ko pa.
Nagulat ako nang bigla niyang haklitin ang braso ko at kaladkarin papunta sa kwarto niya.
"Hayup ka! Saan mo'ko dadalhin?! Bitawan mo'ko gago!" Pinilit Kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa braso ko pero mas lalo niya lamang hinigpitan ang pagkakahawak saakin. Sinipa ko ang paa niya pero parang hindi man lang siya tinablan.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Romance"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto